^

PSN Showbiz

Lotlot magalang at sincere!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Lotlot magalang at sincere!
Lotlot

Tinatanong ni Jun kung pupunta ako kapag nag-presscon si Lotlot de Leon, Salve. Ang sagot ko, yes, why not?

Isa si Lotlot sa mabait na tao na nakilala ko, at aside from that, very close siya kina Christopher at Sandy de Leon. Magalang at very sincere siya na makipag-usap kaya wala kaming problema.

Alam ko na naiintindihan niya ang naging outburst ko sa reaksyon ng kanyang anak na si Janine Gutierrez tungkol sa television comeback ni Bong Revilla, Jr.

Kung sakali naman na meron siyang galit o tampo, I will also understand.

Maliit lang ang mundo ng showbiz at sandali lang ang buhay kaya hindi dapat maging mabigat ang balikat mo sa mga emosyon na dinadala.

Lahat ng nangyayari, dapat open ang utak at puso mo, nangyari dahil dapat mangyari, nasa iyo na kung paano mo tatanggapin.

Nasabi mo na ang gusto mong sabihin, tapos na ‘yon. Kung hindi matanggap ng kabila, nasa kanya na ang bigat ng pagdadala. You let out steam, ready ka rin dapat tumanggap nito.

So invited ako, pupunta ako at sure ako welcome ako kay Lotlot. Di ba Jun? At thanks Leo, lagi mo akong invited, ha ha ha.

Pagkamatay ni Kobe parang ang hirap i-visualize

Naloka naman ako sa balita na namatay si Kobe Bryant at ang kanyang anak na si Gianna sa isang helicopter crash noong Linggo nang umaga, January 26 ( January 27, Manila time).

Mahirap tanggapin na nawala agad ang isang 41-year-old very popular basketball player na sinasabi nila na  gentleman inside the court at nasa top of the world ng sports.

Parang mahirap ma-visualize na mawawala agad sa mundo ang mga athlete na kagaya ni Kobe na larger than life at parang  superman na hindi tinatablan ng sakit at hindi puwedeng mamatay.

Life is so fleeting, God takes it according to His plan, and we can never question and argue kaya nga nasa atin ang desisyon, what we make out of our life, how we will live it?

Ang saya if we can be remember it with a smile, if people will say ‘sayang’ dahil namatay ka na, nagawa, natikman ang lahat ng pangarap mo at namatay ka na walang dalang bagahe sa balikat mo. Adios Kobe and Gianna, rest in peace.

Pitong beses na bumisita sa Pilipinas si Kobe para sa kanyang mga basketball exhibition game at clinics.

Kasama naman sina Senator Manny Pacquiao, James Yap at Senator Bong Revilla, Jr. ang ilan sa mga popular Pinoy celebrities na nagpahayag ng pakikiramay at kalungkutan sa pagpanaw ni Kobe.

Masuwerte nga sina Papa Manny at James dahil may litrato na sila na kasama nila si Kobe nang dumalaw ito sa Pilipinas. Parehong mga international superstar sa mundo ng sports ang kategorya nina Papa Manny at Kobe kaya personal sila na magkakilala.

Naglabas naman si Bong ng kanyang pahayag tungkol sa pagkawala ni Kobe na iniidolo niya bilang basketball legend.

“Walang nakakaalam kung kailan tayo tatawagin ng ­ating Panginoon sa Kanyang piling. Kaya sa bawat sandali na kapiling pa natin ang ating pamilya at mahal sa buhay, lagi nating piliing magmahal at gawin ang tama.”

vuukle comment

LOTLOT DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with