Jinggoy excited mag-comeback para sa Summer Filmfest
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Seven years din palang namahinga sa paggawa ng pelikula si former Senator Jinggoy Estrada.

Though noong 2016 lang napanood ang last movie niyang Ang Tatay Kong Sexy co-starring him with Maja Salvador, pero ginagawa niya ito prior to his detention sa kasong plunder.

Ngayon, handang-handa na ang actor/politician sa gagawing movie na Home Coming na mag-uumpisa pa lang i-shoot sa Sabado.

Isang family movie ang Home Coming at gaganap na misis niya ang award winning actress na si Sylvia Sanchez.

Susubukan nilang maihabol ito sa 1st Summer Filmfest sa April.

“Balik na ako sa una kong minahal, sa pag-aartista,” sabi ng ex Sen. Jinggoy kahapon sa ginanap na media conference para sa pelikula.

Gaganap na OFW sa Qatar si Jinggoy na anim ang anak. At kasama sa gaganap na anak niya ang kapatid sa amang si Jake Ejercito at ang isa pa nilang anak ng misis na si Precy, si Jillian.

Pure drama ang movie na kuwento ng isang broken family at wala nang action-action sa pelikula tulad ng mga ginagawa niya noon. “Matanda na tayo diyan sa mga action,” sabay tawa niya.

“Excited na ako to have a comeback movie,” sabi ni ex Sen. na hindi pinalad na makabalik sa Senado last election.

Magiging movie debut naman ito for Jake and former beauty queen Ariella Arida na nag-audition para gumanap na mistress ng character ni Jinggoy  na ididirek ni Adolf Alix, line produced by ALV Films and produced by Maverick Films.

Ayon kay Arnold Vegafria, big boss ng ALV, magso-shoot sila ng ibang eksena sa Qatar with Jinggoy na gaganap na Benedicto Librada who rises from humble beginnings to further his studies and eventually ay nabigyan ng magandang future ang pamilya habang OFW sa Qatar pero ‘di nakatiis sa temptation.

Aside from Jake, magiging anak din ni Jinggoy sa pelikula sina EA Guzman, Martin del Rosairo, and Shaira Diaz.

By the way, sinabi ni Jake na pag maganda ang feedback ng tao sa Coming Soon, idideretso na niya ang showbiz.

Naudlot ang naunang try niya sa showbiz dahil nang pumasok siya sa Eat Bulaga bilang ka-love triangle ng AlDub noon, nag-aaral pa siya sa Singapore.

JINGGOY ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with