Dina
Dina nagpahulog sa basurahan Alang-alang sa eksena
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2020 - 12:00am

Naaliw kami sa kuwento ni Dina Bonnevie nang nakatsikahan namin sa mediacon ng bagong drama series ng GMA 7 na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday nung isang gabi.

Gustung-gusto niya kasi ang role niya rito na isang Ilocana na nakaaway ang bestfriend niyang Waray na ginagampanan naman ni Snooky Serna.

Talagang hiningi niya ang role na iyun dahil feeling niya Ilocana na rin siya dahil asawa siya ni Congressman DV Savellano ng Ilocos Sur.

Kaya sa ilang eksena na puwede namang hindi na niya gawin, ginawa niya ito para sa ikagaganda nito.

Meron daw siyang eksenang hinulog siya ni Snooky sa basurahan, siya ang gumawa kahit binibigyan siya ng double na gagawa nito.

“Paano ang binigay nila na double, madyobis!” bulalas ni Dina na kapansin-pansin nga ang pagpayat nito.

“Sabi ko direk, ‘in fairness naman, tingnan mo naman ang katawan ko ngayon.

“Bakit naman ang kinuha nyo namang double, ang dyobis ever. So, sabi ko dahil diyan ako ang gagawa.

“Wala akong pakialam. Ihulog nyo ako diyan, pero slight lang ha? Baka mahuli ng camera, ang dyobis!” dagdag na kuwento ng aktres.

Talagang basura raw ang binagsakan niya, pero may ilang nilagay daw sila na mukhang basura lang, pero ang ikinaloka pa niya, talagang may mga nakapa raw siya sa basura na ikinaloka niya. “Pero siyempre, may nakapa ko ehhhh! There was p-u-p-u. Hindi ko na ininda kasi tawa nang tawa si Snooky.

“Sabi niya I can’t stop laughing this. Cookie ano ba! Serious na to dapat galit ka sa akin. Tawa siya nang tawa.

“Kaya nung nahulog din siya tawa rin siya nang tawa,” masayang kuwento ni Ms. D.

Doon nga sa mediacon nito, naikuwento rin ni Dina na parang na-experience din daw niya itong role na ginampanan niya dahil nangyari rin daw sa kanya na naging kaaway niya ang dating kaibigan, dahil sa lalaking pareho nilang minahal.

Nahulaan namin si Coney Reyes ang tinutukoy niya hindi raw sila naging okay, pero sa pagdaan ng panahon, nahilom daw ang sugat at si Coney pa nga raw ang nagdala sa kanya para lalong mapalapit sa Diyos.

Magkaibigan na raw sila ngayon at ang laking bagay daw nang nagawa ni Coney kaya siya na­ging Christian.

“Kaya nga sabi ko, ‘God is good.’ Parang He really finds to heal your heart and to heal the relationships.

“And parang, from how she was before and now kapuri-puri talaga.

“I admire her, and I’m happy,” pahayag ni Dina tungkol sa friendship nila ni Coney.

Ngayon ay naging mas kalmado raw siya at ayaw na raw niyang may kaaway pa.

“Ang pangit kasi ng may kaaway. Ang pangit ng meron kang hindi kabati, yung meron kang iniiwasan. Eh ako pa naman, I’m so transpa­rent di ba?

“Kahit sabihin kong ‘ah hindi kami magkagalit, pero kitang-kita sa mukha ko na ano di ba?

“Pero never kasi nangyari yun eh. Kapag may kaaway ako, alam nya yun. Hindi ko tinatago. Saka alam din ng mga nakapaligid,” sabi pa ni Dina.

Sa January 27, Lunes na magsisimula ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Kate Valdez.

Jennylyn madedemanda ‘pag nagpakasal kay dennis

Ilalahad ang journey ng relasyon nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa kanilang Valentine concert na Co-Love na gaganapin sa New Frontier Theater sa February 15. Pero tinitiyak ni Jennylyn na walang drama ng proposal o pag-usapan ang kung ano mang plano nilang dalawa.

Sa pictorial ng Descendants of the Sun kasi, tinanong namin ang Kapuso Ultimate Star kung ano kaya ang magiging reaksyon niya kung sakaling mag-propose na roon si Dennis.

Sure daw siyang hindi gagawin iyun ni Dennis dahil hindi pa raw talaga siya puwede sa ganun dahil may commitment siya sa GMA 7. “Hindi pa puwede eh. Idedemanda ako. Ayoko rin naman pag-usapan yan eh. Tapusin ko muna yung mga commitments ko,” pakli niya.

Ayaw lang  niya idetalye, pero mukhang nasa clause ng kontratang pinirmahan niya sa GMA 7 na hindi pa muna siya puwedeng mag-asawa.

Kaya sa career lang talaga siya naka-focus, at maganda rin namang magkasama sila ni Dennis sa concert na talagang pinag-isipan daw nila nang husto kasama ang direktor nilang si John Prats at ang 3rd Avenue na musical director nila.

DENNIS TRILLO DINA BONEVIE JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with