KathNiel
KathNiel pinag-uusapan na ang kasal
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2020 - 12:00am

Kamakailan ay mu­ling pumirma ng kontrata sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa ABS-CBN. Masayang-masaya ang magkasintahan dahil sa mga bagong proyekto na kanilang pagtatambalan. “Very happy and very thankful. ‘Yung tiwala ng ABS sa amin nandoon pa rin and at the same time ‘yung tiwala namin sa ABS,” bungad ni Daniel.

Malapit nang mapanood sa Kapamilya network ang teleseryeng Tanging Mahal na kasalukuyan nang ginagawa ng KathNiel.

“We’re very excited kasi collaboration talaga ‘yung nangyayari sa story. Kung ano gusto namin, the’re very open,” nakangiting pahayag ni Kathryn.

“It’s gonna be something fresh,” dagdag naman ni Daniel.

Bukod sa telebisyon at pelikula ay abala rin ngayon si Kathryn sa kanyang sariling YouTube channel na Everyday Kath. Nakatanggap ang aktres ng Silver Play Button o parangal mula sa pamunuan ng YouTube dahil sa pagkakaroon ng mahigit 100,000 subcribers nito. “Kinikilig nga ako kasi siyempre sobrang baguhan ko sa mundo na ‘yan,” giit ng aktres.

Samantala, inamin ng magkasintahan na napag-uusapan na nila ngayon ang tungkol sa kasal. “Kaya nga tayo nagtatrabaho dahil mayroon tayong kailangang asikasuhin for the future,” makahulugang paglalahad ni Daniel.

“Napag-uusapan naman namin ‘yon, ‘yung sa future. Pero ngayon kasi twenty three (years old) pa lang ako and twenty four siya. Tini-take advantage namin habang bata pa na magtrabaho for the future,” pagtatapat ni Kathryn.

JC at Bela ‘nagkasalisihan’

Inamin ni JC Santos na minsan na rin siyang nagkagusto kay Bela Padilla. Ilang proyekto na ang pinagtambalan ng dalawa kaya posibleng nabighani ang aktor sa dalaga. “Ang pinakaimportante po sa akin ‘yung working relationship namin ni Bela. At sa lahat ng pelikulang nagawa namin, ayokong magbago ‘yung nararamdaman namin sa isa’t isa tuwing magkatrabaho kami, tuwing magkasama kami,” nakangiting pahayag ni JC.

Nagbigay naman ng reaksyon si Bela sa ginawang pag-amin ng binata. “Sinarili po niya, ngayon ko lang nalaman. Feeling ko salisi kami ni JC, baka mali kami ng tiyempo sa isa’t isa. And mas madali na magkatrabaho lang kami,” paglalahad ni Bela.

Matatandaang nagkatambal ang dalawa sa pelikulang 100 Tula Para Kay Stella at The Day After Valentines. Nagkatrabaho rin sina Bela at JC sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya noong 2018.

Sa February 5 ay ipalalabas naman sa mga sinehan ang On Vodka, Beers and Regrets na muling pagbibidahan ng dalawa.

Ayon sa magkatambal ay ibang-iba ang matutunghayan ng mga manonood sa kanilang bagong proyekto.

“No’ng sa dalawang pelikula namin, lagi silang nakakaramdam ng sakit, ng hapdi. So I think ito na ‘yung pinakamasakit,” giit ni JC.

“Feeling ko ‘yung tandem namin ‘yung sakit niya. Parang nagpapa-tattoo ka, babalik ka nang babalik. So alam ko gano’n ‘yung pain na sini-serve namin palagi,” dagdag naman ni Bela. (Reports from JCC)

DANIEL PADILLA KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with