Liza at Kathryn
Kathryn at Liza pinagkakalat na nag-PI!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

Owww cute na cute ang ilang netizens sa kumalat na video na nag-PI sina Liza Soberano at Kathryn Bernardo.

 ‘Yung kay Liza parang nadulas at na-shock lang yata o baka may nag-joke kaya narinig na napamura siya habang si Kathryn ay nasa loob ng cave at animo’y muntik madulas kaya nakapagsalita ng ganun.

Though puwedeng gawa-gawa lang din naman ang nasabing video.

Well, sa panahon ngayon ang daling mag-retoke ng video na parang totoong-totoo.

Though tao rin lang naman sina Kathryn at Liza tulad natin na napapamura pag nagugulat so kung totoong sila ‘yun, walang masama at hindi nangangahulugan na palamura sila.

Saka meron bang tao ngayong ‘di napapamura? Gosh, sa traffic at internet pa lang, hindi mo talaga mapipigilan ‘yun kung minsan.

Parehong good girl sina Kathryn at Liza at kung ang intention lang ay gawing bad ang image nila, I doubt kung magtatagumpay sila.

Ang reklamo lang ng ibang netizens, ba’t pag daw sina Liza and Kath ang nagmura, ok na ok lang at cute pa ang tingin, pero pag si President Duterte, parang galit na galit sila.

Anyway, kung sabagay kung lahat ay papatulan mo sa social media, maloloka ka. 

KATHRYN BERNARDO LIZA SOBERANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with