Catriona, walang effort mag-adjust pagkatapos ng Miss Universe

Catriona

Isang buwan na ang nakalilipas mula nang ipasa ni Catriona Gray ang korona kay Zozibini Tunzi bilang Miss Universe 2019. Nakaisang linggo na rin bilang host ng It’s Showtime ang dalaga ngayon. Para kay Catriona ay hindi naman na siya nahirapan sa kanyang mga ginagawa ngayon sa telebisyon kumpara sa mga nagawa bilang Miss Universe 2018 noong isang taon. “Hindi naman po because when you go into that journey, alam mo na it’s only a year that you get to hold that platform. It’s not like it’s being taken away from you without you knowing. Like you go into it knowing that’s the time that you are in that position,” nakangi­ting pahayag ni Catriona.

Malaki ang pasasalamat ng beauty queen sa mga kaibigan at kapamilyang palaging nakasuporta mula noong nasa New York pa lamang siya hanggang sa nakabalik na sa Pilipinas. “I’ve been much looked after not only by my management but also my family and friends who made the transition very easy for me. And I’m actually very, very excited for this year and this new chapter,” paglalahad niya.

Samantala, nakahandang tumulong si Catriona sa training ng mga kandidata na pambato ng Pilipinas para sa mga international beauty pageant. “I would be happy to maybe as a consultant or maybe to do one workshop or something like that. But I feel also I will be busy with my own career that I won’t be able to commit to a full-time mentoring position but also I have no fear because I feel that there’s so amazing mentors dito sa Philippines that has such passion for our country’s representatives that they will not lack in mentorship, in training and in guidance,” pagbabahagi ng Miss Universe 2018.

Zaijian, nangangarap gumanap na autistic at bakla

May ilang klase ng karakter na gustong magam­panan si Zaijian Jaranilla sa kanyang mga susunod na proyekto. Matatandaang nakilala ang dating child star bilang si Santino sa teleseryeng May Bukas Pa noong 2008.

Ngayon ay 18 taong gulang na si Zaijian. “Sa ngayon gusto ko ‘yung autistic. Nagkaroon na ako ng role na gano’n dati pero mild autistic lang. ‘Yung parang bata isip ko, pero ang gusto ko ‘yung tipong major na. Tapos ang pagiging bakla feeling ko sobrang challenging para sa akin ‘yung role na gano’n kaya gustong-gusto ko maganapan ‘yon. Nagkaroon na rin ako pero parang alam n’yo ‘yung tipo na parang gusto ko pa gawin. Gusto ko pa magkaroon ng gano’ng role. Gusto ko pang ma-explore ‘yung gay roles. Gusto ko ipakita na sa isang ganap ko, ibang klase ng gay ang makikita sa akin,” paliwanag ni Zaijian.

Nangangarap ang aktor na makapagtapos ng kolehiyo upang magkaroon nang maa­yos na trabaho kapag hindi na siya artista balang araw. “Balak ko mag-aral ng filmmaking. Dream ko talaga ‘yung pagiging director kahit noong bata pa ako kaya gusto ko ‘yon i-pursue. Idol ko si direk Mikhail Red. Kaya noong napanood ko ‘yung movie niya, parang iba-iba para sa akin ‘yung cinematography. Hindi ko pa siya nakakatrabaho kaya no’ng napanood ko ‘yung Birdshot (na ginawa ni direk Mikhail), tiningala ko po siya as a director talaga,” kwento ng binata. (Reports from JCC)

Show comments