Vice pinayuhang itago muna ang palasak na mga joke
Vir Gonzales (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nag-react ang kababayan at fans ni Ion Perez from Tarlac. Bakit daw sisisihin ang kanilang kababayan sa hindi kataasang kita ng pelikula ni Vice Ganda?

Hindi naman daw ito solo movie ni Ion para sisihin ang baguhang aktor kung bakit parang walang magic sa takilya ang kanilang pelikula.

May nagkomento namang sobrang lumang jokes na raw mula sa comedy bar ang paulit-ulit na napapanood sa pelikula ni Vice kaya ganun ang kapalaran nito.

Parang hindi na kasi uso ngayon ‘yung gulatan at sampalan to the max.

Paulit-ulit din daw na gay lingo ang dialogue ng pelikula.

Dapat daw ay itago muna ni Vice sa cabinet ang mga luma niyang joke.

Siyempre ay gusto ng fans ng bagong putahe at hindi ‘yung araw-araw nilang napapanood sa telebisyon.

Jenny Roa kailangan ng tulong ni Coco

May komento na dapat ay kinuha ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano ang aktres na si Jenny Roa para may bagong pagbuhusan ng pansin ang serye. Marami ang humanga kay Jenny noong umapir ito sa Tag-ulan, Tag-araw. Dating sinamba ng kalalakihan si Jenny na na­ging calendar girl pa noon.

Mahirap talaga kapag nawalan ng ningning ang isang bituin. Nalulugmok sila sa depression at nadadawit sa droga.

Muling naalala si Jenny dahil naaresto siya sa isang buy-bust operation sa Pasay mismong araw ng Pasko.

James at Nadine nalunod agad sa kasikatan?!

Marami ang natataranta kung totoo bang hiwalay na sina Nadine Lustre at James Reid. Dati ay nabalitang malapit na silang ikasal. Ano naman pakialam ng fans kung totoo nga ang tsika?

Moral lesson of the story: ‘Wag malulunod sa isang basong tubig.                                                               

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with