^

PSN Showbiz

Pope Francis nag-apologize sa pamamalo

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Cute ang pagpalo ni Pope Francis sa kamay ng isang babae na humila sa kanyang braso sa Vatican dahil ipina­kita niya na kahit siya ang pinakamataas na pinuno ng simbahan, may karapatan at may moment din siya na nagagalit.

Puwedeng nasaktan si Pope Francis sa paghila sa kanyang kamay ng babae na tila over excited na makita siya nang malapitan.

Eighty-three years-old na si Pope Francis. Mabuti nga malakas pa ang katawan niya. Paano kung nadapa siya dahil sa malakas na paghatak ng babae sa kanyang kamay?

Pero at least, nahawakan niya ang kamay ni Pope Francis at para siyang isang batang paslit na hinampas ang kamay.

Sana laging healthy at malakas si Pope Francis. Pray for him, the leader of the Catholic Church. Bless you Pope Francis.

In fairness, inamin naman ni Pope Francis na mali ang kanyang ginawa at naunawaan siya ng publiko dahil kahit sino, ganoon din ang magiging reaksyon kapag nagulat at nasaktan.

Nagpakita ng humility si Pope Francis nang mag-apologize siya at sure ako na hinahanap na ng mga reporter ang babae na nakaranas ng pananampal ng kamay ng Santo Papa para hingin ang reaksyon niya.

Instant celebrity ang babae na walang kamalay-malay na magiging topic at viral sa buong mundo ang video ng ginawa niya na paghatak sa kamay ni Pope Francis.

MMFF 2019 may napatunayan

Eye opener ang nangyari sa 45th Metro Manila Film Festival, ang malakas na kita sa takilya ng Miracle in Cell No. 7 na proof na kapag maganda ang pelikula, puwedeng talunin nito ang mga project na inaakala na magiging malakas dahil pambata tulad ng filmfest entries nina Vice Ganda, Coco Martin  at Bossing Vic Sotto.

Ngayon, kahit na alam ng mga movie produ­cer na bata ang target audience nila dahil nga sa Christmas playdate ng Metro Manila Film Festival, kailangan na rin na may malakas na hila sa adult audience ang kanilang mga pelikula.

Higit sa lahat, kailangan pa rin ang star power dahil kung sikat na loveteam ang mga bida sa Write About Love, baka naging malakas sa box-office ang pelikula na humakot ng awards sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival.

Para sa isang movie na mature ang tema, okey na ang box-office gross ng Mindanao at ng Sunod.

Maganda ang resulta ng 45th Metro Manila Film Festival na bumaba dahil sa Typhoon Ursula at sa mataas na presyo ng cinema tickets.

Pero nakita natin na excited pa rin ang mga tao na mapanood ang mga pelikula na kalahok sa Metro Manila Film Festival kaya now pa lang, looking forward ang lahat sa summer festival na first time na mangyayari sa April 2020.

I’m hoping it will generate more income para da­lawang  beses na ang festival ng pelikulang Pilipino, aside from the usual film festival ng Cinemalaya, Pista ng Pelikulang Pilipino at iba pa.

vuukle comment

POPE FRANCIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with