_ngayon
^

PSN Showbiz

Iza, ‘wag masyadong gumamit ng filter para gumanda

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Iza, âwag masyadong gumamit ng filter para gumanda
Iza

Aminado si Iza Calzado na katulad ng ibang may problema sa timbang ay wala rin siyang confidence noon. Matatandaang medyo mataba rin ang aktres dati kaya nahirapan daw siyang tanggapin ito. “I think a lot the body-positive influencers or the people I’ve been following on social media made me feel like I wasn’t alone. Na parang mayroon din palang mga tao na ganito ang katawan. Sila talaga ‘yung wini-wish ko pa nga no’n na sana I have that confidence. Kahit sa mga stretch marks, malalaki sila. I wish even when I was big, I had that parang, ‘Be okay with myself, I’m okay as I am,’” nakangting pahayag ni Iza.

Isa ang aktres sa mga bumubuo ng organisasyong pangkababaihan na She Talks Asia. Para kay Iza ay nagsisilbi ito bilang kanyang adbokasya para sa pangangalaga sa katawan ng mga babae. “My realization was, parang I’m not using my platform the way I supposed to use it. There was certain emptiness. And I could understand na I’m not doing enough for other people. I’m doing so much for myself,” giit niya.

May ilang nakararanas ng body shaming sa social media maging artista man o hindi. Ayon kay Iza ay huwag na lamang sanang magpaapekto ang mga biktima sa netizens at sa halip ay magpakatotoo na lamang. “It’s tough. These filters can make you look good but at the end of the day you go home, you look at yourself in the mirror and always have to stare back at who you are. You have to live with who you really are. It’s fun, these apps are fun and use them as a fun tool,” payo ng aktres.

Bayani, mag-aaral nang magdirek

Bayani

Malaki ang pasasalamat ni Bayani Agbayani dahil sa pagkakaroon ng mga proyekto ngayon sa ABS-CBN. Matatandaang ilang taon ding nawala sa bakuran ng Kapamilya network ang komedyante. “Ako kasi hindi ko tinitingnan ‘yung highest at lowest (point sa career), basta ako, stagnant lang, nandito lang ako. Kasi ang mahalaga sa akin lagi ‘yung health ng pamilya ko. ‘Yung career, ayoko na ngang mag-artista eh. Kaya lang binibigyan pa rin ako ng Diyos ng pagkakataon na sa edad kong fifty meron pa akong dalawang show sa ABS-CBN. Sabi ko, ‘Bonus na po ito, Lord,’” pagtatapat ni Bayani.

Kung sakaling hindi na itutuloy ang pagiging isang artista ay mayroon na raw planong gawin ang komed­yante sa susunod. “Writer, Director, mag-uumpisa na ako next year, magdidirek na ako ng mga pelikula. Gusto ko ngang idirek ‘yung Aswang Ang Nanay Ko. Siyempre sa first attempt ko, ididirek ko muna ang sarili ko. Meron na akong script, sabi ko ako na rin ang magdidirek. Tapos kukuha na lang ako ng co-director. Gusto ko sana, ang balak ko si Tita Glo (Gloria Romero) ‘yung magiging nanay ko kaso may sakit siya. It’s about time siguro na pasukin ko na ‘yung pagdidirek. Kasi even before naman, ‘yung mga pelikula ko, sitcoms ko, ako naman ang nagki-create ng karakter ko eh. Pero gusto ko rin munang mag-aral, kasi mahirap sumabak ng wala kang baon,” pagbabahagi ng komedyante. (Reports from JCC)

IZA CALZADO PIO JERES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with