Ruffa
Ruffa ayaw i-pressure ang anak na maging beauty queen
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2019 - 12:00am

Ayaw nang ipangalandakan ni Ruffa Gutierrez ang kanyang lovelife. As in kahit sa chikahan, ayaw na niyang pag-usapan ito. 

“I just want to keep my private life private,” say ni Ruffa nang maka-chika namin sa launching niya as the latest beauty ambassador of CV Aesthetic Premier by Cathy Valencia.

“Hindi naman makakatulong sa career ko. Sometimes people they over share especially sa Instagram, ayaw kong mag-over share,” dagdag pa ni Ruffy.

Aminado naman ang actress na pagdating sa boyfriend walang nagustuhan ang mommy niyang si Annabelle Rama kaya mas tamang gawin na lang niyang private ang lahat.

Katuwiran pa niya, dalaga na rin ang mga anak niya at gusto niyang maging good example sa mga ito kaya very careful siya sa mga ipino-post niya.        “You have to set an example also to them, so I would like to lead by example in actions and not just words. So, I’m very careful also of what I post or how I act online, kasi sometimes, pwede nilang sabihin sa ‘yo, ‘eh bakit ikaw?’ Kasi ‘yun ang nangyari sa isang friend ko. Lagi niyang pinapagalitan ‘yung anak niya. ‘Mommy, I just took after you, ba’t ikaw?’ So, ayokong marinig ‘yun.”

Bantay din niya ang mga anak sa suitor ng mga ito. Recently lang ay nag-celebrate ng kanyang 16thbirthday si Lorin na hindi niya raw pini-pressure maging beauty queen.

“Sinabi ko kay Lorin na dapat may dalang fruits pag dumalaw ang suitor niya sa bahay,” kasi ang unang suitor niya raw noon nang binisita siya ay prutas ang dala.

Sagot daw ng anak, kung puwedeng macaroons na lang. “Hindi na yata uso ang prutas ngayon,” sabay tawa ng actress na magiging busy na sa taping ng Love Thy Woman na pinagbibidahan nila nina Kim Chiuand Xian Lim with Yam Concepcion. Mistress ang magiging character niya ni Christopher de Leon sa Kapamilya series na kailangang mag-reshoot ng mga eksenang nakunan na with Erich Gonzales.

Anyway, sinabi ni Ruffa na hindi siya retokada. As in wala siyang ipina-opera sa katawan niya at maging ang set of teeth niya ay hindi peke.

Pawang mga non-evasive lang ang pinagawa niya dahil naniniwala siya na mas tamang mag-maintain ng mukha at katawan kesa magpa-alter.

“Kilala n’yo na ako since I was 13, and nakita n’yo naman na walang nagbago,” dagdag pa ng actress na naging runner up sa Miss World kaya ayaw niya munang mag-comment tungkol sa pagkawala ng franchise ng Miss Universe sa Binibining Pilipinas Charities Inc. 

Anyway, next year ay magkakaroon ng full blast promo si Ruffa para sa Cathy Valencia aesthetic clinic.

BINIBINING PILIPINAS CHARITIES INC ERICH GONZALES RUFFA GIUITIEREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with