Ai Ai at asawa 2 years nang kasal
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2019 - 12:00am

SEEN: Hindi pa napapanood ni Bela Padilla ang kabuuan ng Miracle in Cell No. 7 pero ikinuwento niya, nag-iyakan ang mga lalake sa kanyang paligid nang mag-dubbing siya para sa Metro Manila Film Festival movie nila ni Aga Muhlach. Ito ang third movie together nina Bela at JC Santos pero hindi sila magkapareha. Isa si JC sa mga gumanap na “adoptive father” ng karakter ni Xia Vigor, ang young Bela sa official entry ng Viva Films sa 45th Metro Manila Film Festival.

SCENE: Gustung-gusto ni Bela Padilla na manalo si Xia Vigor na best child performer dahil bukod sa magaling umarte, mabait at very professional ang child actress na gumanap na anak ni Aga Muhlach sa pelikula.

SEEN: Nakaburol sa Faith Room ng Arlington Funeral Chapel ang bangkay ni Miko Palanca. Nagsimula kahapon ang lamay para sa labi ni Miko na nakatakda na i-cremate bukas, Biyernes.

SCENE: Pinagpahinga muna si Anne Curtis ng kanyang doktor kaya wala siya sa grand presscon noong Lunes ng M&M, The Mall, The Merrier, ang pelikula nila ni Vice Ganda sa MMFF.

SEEN: Introducing sa M&M, ang boyfriend ni Vice Ganda na si Ion Perez na mapapanood din sa Mang Kepweng movie ni Vhong Navarro.

SCENE: Ipinagdiriwang ngayon ni AiAi Delas Alas at ng kanyang asawa na si Gerald Sibayan ang second wedding anniversary nila. Dadalo muna si AiAi sa grand presscon ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon bago sila mag-celebrate ni Gerald sa isang organic restaurant.

 

AGA MUHLACH BELA PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with