^

PSN Showbiz

Kim, hindi na magkaka-rabies sa dami ng injection

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kim, hindi na magkaka-rabies sa dami ng injection
Kim

Kamakailan ay nagulat ang netizens sa Instagram post ni Kim Chiu dahil nakagat ng aso ang aktres sa Bonifacio Global City sa Taguig. Nakailang anti-rabies injection na rin ang aktres kaya ligtas na sa rabies. “Okay naman na, marami lang injection pero siyempre maganda na rin na ma-prevent natin na maging aso ako,” pabirong pahayag ni Kim.

Dahil sa pangyayari ay natuto na ang aktres na huwag basta-basta hahawak sa mga asong hindi kilala lalo na kapag nasa ibang lugar.

Nais din ni Kim na maging aral ang kanyang naranasan para sa mga taong mahilig sa aso. “Pinost ko siya sa Instagram ko para to raise awareness na huwag basta-basta humahawak ng mga aso. Kasi hindi biro, ang mahal ng mga tusok at injections. Maraming injections at pabalik-balik sa hospital. So ingat lang rin sa mga dog na hindi n’yo kilala or hindi hawak ng may-ari,” paglalahad ng dalaga.

Mayroon namang mensahe si Kim para sa may-ari ng asong nakakagat sa kanya. Hindi sigurado ang aktres kung alam nga ng may-ari na nakaaksidente ang alaga nito. “Bahala na lang sila. Sana lang alam niya ‘yung nangyari. Hindi ko alam kung alam niya kasi wala siya eh. Iniwan niya sa likod ‘yung aso niya. So ‘yung owner, nauna na siya and alam niyang susunod sa kanya si dogs, dalawa sila. Tapos hinawakan ko, ganda eh. Wala pang one minute nasa hospital na rin ako,” pagbabahagi niya.

Liza

Liza, pinapangarap makatrabaho ANG BTS, Korean superstars

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw makatrabaho ni Liza Soberano ang ilang kilalang Korean superstars. Matagal na ring pinapangarap ng aktres na magkaroon ng isang international project. “Like I say, any opportunity is a blessing. Kahit saan pang bansa ‘yan I would like to try. Well, kasi sa BTS ang nakikita kong possible maging actor ay si Jin o V, kahit sino sa kanila. Kung actor po ay Nam Joo-hyuk,” nakangiting bungad ni Liza.

Paghahandaang mabuti ng dalaga kung sakali mang magkaroon ng alok na makagawa ng isang proyekto sa Korea. Kung kinakailangang magsalita ng Korean ay talagang pag-aaralan daw ito ni Liza. “Kaya naman, aaralin ko. I mean hindi madali sa akin mag-aral ng language pero mahilig ako mag-aral ng language. So guess kaya naman. If it’s a task given to me, kaya naman,” giit ng aktres.

Matatandaang nagpunta si Liza sa Korea kama­kailan upang manood ng concert ng BTS. Bukod sa sikat na male group ay hinahangaan din ng aktres ang Blackpink. (Reports from JCC)

vuukle comment

KIM CHUI

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with