Pero ka-date si Gretchen Ho, Mayor Vico wala raw time sa lovelife

Gretchen and Vico

Nag-trending din kahapon ang photos nila Pasig Mayor Vico Sotto and ABS-CBN reporter/former volleyball superstar na si Gretchen Ho na magkasama habang nanonood ng isang game sa isinasagawang 30th SEA Games sa bansa.

Hindi naman sweet photos, pero obvious na magka-date sila. Sa Philsports Arena sila nanood ng volleyball game.

Why not. Matagal nang hinahanapan ng girlfriend si Mayor Vico.

Si Gretchen naman ay after Robi Domingo na may bagong girlfriend na ay wala ring nababalitang naging boyfriend.

Pero ayon sa isang malapit kay Mayor Vico, walang time ang mayor sa lovelife sa kasalukuyan dahil nga sa sobrang dami raw nitong trabaho.

Anak ng pulitiko niretoke sa video scandal

Grabeng mag-retoke ang mga nagkakalat ng video scandal.

May nagpakita sa akin ng isang video scandal supposedly ng isang anak ng pulitiko na nasa comfort room na pinaliligaya ang sarili habang animo’y may ka-chat sa screen.

Nang i-check ko ang IG account ng nasabing anak ng pulitiko, hindi nag-match ang katawan ng nasa video.

May tattoo ang real body ng anak ng pulitiko at hindi diumano ito nagsusuot ng bowler.

Pero ang katawan ng nasa video, walang tattoo at naka-bowler.

Sa unang bukas mo ng video, wow, parang siya talaga dahil may intro pa ng name.

Buti na rin lang may IG account ang nasabing anak ng pulitiko.  Hahaha. Eh ang sabi pinagpapantasyahan ang anak na ito ng pulitiko ng isang matinee idol na diumano’y ex ng isa pang actor.

Show comments