Sharon gusto nang tumira sa may snow, sinagot ang chika ni Pres. Duterte
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinagot ni Sharon Cuneta ang chika ni President Digong Duterte na pinalalayas niya ng bahay ang asawang si Sen. Kiko Pangilinan.

Naka-qoute kasi sa story ng CNN Philippines na may title na ‘Duterte claims Sharon Cuneta wants Kiko Pangilinan out of their home’ : “Pinapaalis na nga ng asawa niya sa bahay niya, ayaw kay wala ibang matirahan. Totoo. Tanungin mo. At kung sabihin mo nagsisinungaling ako, I will resign,” ang sabi diumano ni Pres. Duterte noong nakaraang Sabado, Bonifacio Day, sa isang speech sa Caloocan.

Ayon kay Ms. Shawie : “I just spent the whole day with Kiko, Miel, Miguel, ZsaZsa and Conrad in our farm, so this piece of news sent by Kakie kinda shocked me! I dunno if it’s true that the President, my “Tatay,” really said this, and I haven’t been able to see or speak to him since before my brother’s campaign for Mayor!,” simula ng paliwanag ni ate Shawie sa screenshot ng nasabing story na pinadala ng anak nilang si Frankie.

“So I don’t know where this is coming from, honestly. If my husband and I separate, you’ll hear it from me! I don’t think anyone expects an announcement of this sort from the President of their country! Tatay likes to joke sometimes, as you all know, because Kiko’s in the Opposition. He has joked a few times against Kiko and about me in the past!

“Please rest assured that all is fine with my family. My stress comes from other people and things, but right now my family and marriage have never been happier! God bless you all! Love you guys. Wait for my post on YouTube of our day today at the farm!  @frankiepangilinan @kiko.pangilinan,” ang paniniguro ng actress tungkol sa kanila ng mister na pulitiko.

Dagdag pa niyang post : “One day, soon...I will have a house in a place I have never been to, where it snows every winter...where I will feel the way this picture makes me feel! Sumunod ka na lang Dada @kiko.pangilinan at mukhang in lab pa kayo ng politics! Mauna na kami. Hahahahaha!!! @frankiepangilinan,” na photo ng bahay na snow ang paligid.

Nauna nang nag-react ang anak nilang si Frankie (Kakie) na nag-aaral sa New York sa kanyang Twitter account.

 “hala buti pa siya alam,”  unang tweet niya.

 “Actually kaya po ako nasa nyc pati po ako nadamay ayaw na daw po ako @ home,”  sunod nitong tweet.

Pero palaban ang dalaga sa kanyang pangatlong tweet : imagine making yourself dinner in your tiny apartment and tucking yourself into bed with a warm blanket only to get a notification informing you your parents are arguing daw. it’s not either of your parents, it’s not your sister, not the dog, it’s rodi.”

Meron pa siyang reaction na “omg when resigns ur welcome.”

Kilalang mabiro ang presidente at baka naman joke lang sinabi niya tungkol sa noon pa nababalitang hiwalayan nina Sen. Kiko at Sharon.

RODRIGO DUTERTE SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with