Sexy actress na parang namumulot lang ng datung, paiba-iba ang hitsura
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2019 - 12:00am

Mapagbiro talaga ang kapalaran. Walang may hawak ng kinabukasan. Umiikot ang gulong ng buhay, kaya ang mga nasa ilalim nu’n ay pumapaibabaw, ganu’n kung magbiro ang tadhana.

Naging magkarelasyon nang mahabang panahon ang isang sexy actress at ang isang male personality na mas nakilala sa pagiging kontrabida sa pelikula.

Maganda ang naging takbo ng kanilang pagmamahalan, pareho silang sinuwerte sa pagkakaroon ng mga proyektong mas nagpaangat sa kanilang pangalan, pero naging magulo ang relasyon nila dahil sa pagiging sobrang selosa ng female personality.

Kuwento ng isang source, “Napakaselosa niya, konting bagay lang, e, inaaway na niya ang boyfriend niya! Di nga ba, nagtangka pa siyang mag-suicide nu’n dahil sa pagseselos niya?

“Tiniis ‘yun ng male personality dahil mahal nga siya, pero dumating din ‘yung guy sa point na hindi na niya kinakaya ang pagiging selosa ng girl, kaya nagkahiwalay sila,” unang kuwento ng aming impormante.

Maraming naganap nang magkahiwalay sila, tuloy ang kani-kanyang buhay ng dating magkasintahan, hanggang sa may nakilalang milyonaryo ang sexy star at nagkaroon sila ng anak.

Kuwento uli ng aming source, “Biglang bumongga ang buhay ng girl! Ikaw na ang makatagpo ng karelasyong super-yayamanin, di ba naman?

“Sunod ang luho niya, sustentado siya at ang anak nila, talagang lahat ng gusto niya sa buhay, e, ibinibigay sa kanya ng karelasyon niya!

“Heto na. Nu’ng magkarelasyon pa sila ng male persona­lity, e, ang guy ang madatung! As in, maraming raket ang ex niya, kaya maraming naipupundar na properties!

“Ang female personality ang hindi pa gaanong kumikita nu’n, pabarya-barya lang, kaya nu’ng makarelasyon na niya ang milyonaryong guy, biglang nagbago ang estado ng buhay niya!

“Biglang nabaligtad ang sitwasyon nila. ‘Yung bonggang bahay na naipundar ng ex niya, e, nabili na ng girl! Yesterday! Siya na nga ang owner ngayon ng bahay ng pinupuntahan lang niya nu’n kapag nagdi-dinner sila ng family ng boyfriend niya!

“Siya na ang reyna ng bahay na ‘yun! Mas pinalakihan pa nga niya kahit pa bonggang-bongga na nga! Talagang nagkabaligtad ang kapalaran nila ng ex niya!

“Hindi naman naghihirap ang guy, pero mas madatung na ngayon ang girl! Para lang siyang namumulot ng datung dahil super-yayamanin ng karelasyon niya!

“Sa sobrang dami ng pera niya, e, hindi na malaman ng girl kung saan ‘yun gagastusin, kaya ayun, kung anu-ano ang ipinababago niya sa itsura niya, kaya halos hindi na siya makilala kahit ng mga friends niya!

“Nakakainis nga naman ang buhay, di ba? Pero nakakainis man, e, nakakatuwa rin naman!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Jomari ipapa-Tulfo ng live in partner na pinagpalit sa may pera

Kumukulo talaga ang dugo ni Joy Reyes, dating ka-live-in ni Jomari Yllana, dahil sa kabila ng kanyang mga patutsada sa social media ay parang walang pakialam ang aktor.

Labas nang labas ng mga rebelasyon si Joy, lalo na para sa kapakanan ng kanilang dalawang anak, pero deadma lang si Jomari. Hindi nagsusustento ang aktor, wala ring trabaho ngayon si Joy dahil pinag-resign daw siya sa trabaho ng ama ng kanyang mga anak, kaya malaking problema para sa kanya ang pagpapalaki sa mga musmos pang supling nila.

Napakaraming nagbubuyo kay Joy Reyes na magsadya na siya sa Wanted Sa Radyo ni Raffy Tulfo, kailangan na daw niyang isumbong ang kairesponsablehan ni Jomari, dapat na raw kumilos ngayon ng dating ka-live-in ng aktor.

Kapag nagdesisyon si Joy Reyes na lumapit na sa prog­rama ni Raffy Tulfo sa Radyo Singko ay siguradong mababalatan nang husto si Jomari Yllana. Matindi pa naman ang pakikisimpatya ng news anchor sa mga babaeng niloloko ng kanilang mga kapareha sa buhay.

Ayon kay Joy Reyes ay ipinagpalit diumano siya ni Jom sa babaeng mas may edad kesa sa kanya, pero mapera, hindi man niya sabihin nang diretso ay matrona ang nais tukuyin ng babae.

JOMARI YLLANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with