^

PSN Showbiz

Rita nag-react sa pag-a-attitude!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Rita nag-react sa pag-a-attitude!
Rita

Hindi masyadong matsika sa amin si Rita Daniela nang nakasalubong namin nung nakaraang Sabado nang gabi sa Royce Hotel sa Clark, na kung saan ginanap ang 10th anniversary celebration ng Beautederm at birthday na rin ng President at CEO nito na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.

Magkasama sina Rita at Ken na dumating na brand ambassadors ng Beautederm.

Feeling namin medyo cold ang Kapuso actress, pero pinakiusapan pa rin namin kung puwede siyang matanong tungkol sa isyung kumakalat na nag-a-attitude raw ito sa set ng One of the Baes.

Kaya kinaiiritahan daw ito ng production staff dahil sa ang dami na raw nitong demands. Ayaw na nga raw nilang makatrabaho ito uli.

Nagsimula lang iyun sa blind item na obvious namang siya ang tinutukoy. Nagulat daw siya sa naturang balita, dahil hindi naman daw totoo yun.

“Hindi ko po alam kung saan po nanggaling ‘yung ganung mga isyu.

“Sobrang okay po kami ng prod, kahit po tanungin niyo pa po ‘yung prod. Wala naman pong ganung nangyayari sa amin,” deretsong sagot ni Rita sa amin.

Sabi ni Rita, parang pamilya raw ang turingan nila sa set, kaya nagulat daw silang lahat bakit may mga ganung isyu laban sa kanya.

“Nakakatuwa kasi hindi lang nagri-rate ‘yung show namin kundi kahit sa loob, pamilya po ‘yung samahan namin. Kaya nagulat din po ako sa lumabas na ‘yun na article.

“Naintindihan ko naman po…siguro po sa bawat tagumpay ng isang tao, kapag ganung napu-promote, kasama ‘yun eh. May mga ganun po,” seryosong pahayag pa ng Kapuso actress.

Maaring hindi lang naintindihan ang ilang ipinapakita niya sa set, dahil sabi naman ng ilang co-actors niya, posibleng pagod lang ito sa kalalagare pa sa taping ng The Clash at na-misinterpret lang ang iba niyang ikinikilos. “Aminado po ako na totoo po kasi talaga akong tao. At ipinapakita ko po kapag pagod po ako, hindi ko po tinatago. Pero kapag masaya po ako, ipinapakita ko po.

“Naniniwala po ako na kapag masyado kang totoo madalas po misunderstood po eh,” sabi pa ni Rita.

Kaya hindi raw siya apektado sa mga ganung intriga. Ganun daw talaga minsan sa showbiz.

“Hindi ko naman po ikinakasama nang loob kasi nandito po ako sa mundo na iyun which is showbiz po, and kasama po ‘yun.

“Hindi po talaga ako apektado. Kasi ang importante po kung sino po ako, and what’s important po is how God sees po,” nakangiti niyang pahayag.

Kahit ang leading man niyang si Ken Chan ay pinanindigan na walang ganung pangyayari sa set.

“Kilala ko po kasi si Rita. Siguro nami-misinterpret po siya ng mga tao. And alam ko na hindi niya magagawa ‘yung mga ganung bagay. Sabi ko nga sa kanya, kung may pagkakataon man akong ma-interview tulad nito, ipagtatanggol kita, dahil alam kong hindi ikaw ‘yun,” sabi ni Ken Chan.

Jay

Jay proud sa mga ex na bading

Hindi naman talaga itinatago ni Jay Manalo sa mga kaibigan sa showbiz na may karanasan siya sa mga bading. Minsan nga ang bading pa mismo ang nahihiya kapag lantarang sinasabi ng aktor na meron silang nakaraan.

Kaya nang tinanong ito sa mediacon ng bagong teleserye niyang Love is Love, kaagad niya itong inamin.

May ilang kaibigang bading kami sa showbiz na merong karanasan kay Jay pero hindi naman nila ito ipinagkakalat. Ang ilan sa kanila ay naging kaibigan na ang aktor dahil naging mabait daw ito sa kanila.

Hindi raw siya abusado kaya kahit wala nang namamagitan, okay pa rin silang magkaibigan.

May mga lalaki naman daw na napapalapit sa mga bading at nagkaroon ng karanasan, hindi dahil sa pera lang ang habol.

May mga lalaki raw talagang mas gusto pa nila ang bading kesa sa mga matrona dahil mas naiintindihan sila. Minsan ngang napag-usapan namin ni Arnelli Ignacio ang tungkol sa relasyong Vice Ganda at Ion Perez, sinasabi niyang naoobserbahan daw niyang totoo si Ion kay Vice Ganda.

“Ako, naniniwala ako kay Ion. Kasi ‘yung sa kanila naman hindi lang ‘yung isang araw lang nabuo.

“Na-develop ‘yun eh. Nagtuksuhan ganyan. Hindi ako maniniwala kunwari first day, sinabi niya may crush siya.

“I think si Vice ay maraming… napuno na ‘yung hinihiling ng isang tao na ‘yung saya.

“Minsan merong ganun eh, pahayag ni Arnell nang nakapanayam namin sa promo ng musical film niyang Damaso. Ako nagkakaroon ako ng relasyon kasi masarap ako magluto, nag-aasikaso ako. Nadi-develop ‘yun eh.

“Honestly, ako naniniwala ko dun na he cares for Vice a lot.

“Hindi mo naman maaarte ‘yung ibang ginagawa ni Ion eh.

“Imagine mo naman, binibigyan siya ng lahat na atensyon ni Vice. Hindi naman lahat ng lalaki nakukuha ‘yun. Hindi naman biro ‘yun. Ang dami ng lalaki ngayon na gusto ‘yung todo ng atensyon at pag-aalaga.

“Hindi naman ‘yung sa mo­netary benefits. I don’t think so,” sabi pa ni Arnell.

vuukle comment

JAY MANALO

RITA DANIELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with