^

PSN Showbiz

Robin noong August pa nag-50th party!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Robin noong August pa nag-50th party!
Robin

SEEN: Nagsimula na ang audition para sa mga artista ng GMA 7 na puwedeng maging cast members ng bagong Sunday noontime variety show na ipapalit sa Sunday PinaSaya na magpapaalam sa ere sa December 22. Ilan sa mga sumali sa audition ang Final Four ng Starstruck Season 7.

SCENE : Dismayado si Ella Lubag ng Pilipinas dahil 1st runner up lamang siya sa 1st Global Asian Model noong Huwebes sa Cove, Manila. Umasa si Ella na mananalo siya pero alam niya na malaki ang tsansa ng winner sa female category ng GLAM, si Artittaya Promchart ng Thailand.

SEEN: Third runner up sa 1st Global Asian Model ang Philippine bet na si Vince Marcelo na crowd favorite. Hindi man niya nakuha ang titulo para sa male category, stand out si Vince sa mga kandidato dahil sa magagandang damit na ipinasuot sa kanya.

SCENE: Nag-aaway ang dalawang young actress dahil sa young actor na kasama nila sa isang television series. Nalaman ni Young Actress A na boyfriend na ni Young Actress B ang young actor na ka-loveteam niya.

SEEN: Marami ang nakapansin na bidang-bida si Heart Evangelista sa Christmas station ID ng GMA 7 na hindi nakapagtataka dahil contract star siya ng GMA Artist Center.

SCENE : Kahapon ang 50th birthday ni Robin Padilla pero nagdiwang na siya ng kaarawan noong August 2019. Joint birthday party ang naganap dahil noong August 10 naman ang 35th birthday ng kanyang misis na si Mariel Padilla. Ang second baby girl nila ni Mariel na isinilang nito at binigyan ng pangalan na Gab­riela ang isa sa mga early 50th  birthday gift na natanggap ni Robin.

SEEN: Ang clarification ni Jake Ejercito na always present siya kahit noong ipinagbubuntis pa ni Andi Eigenmann ang kanilang love child na si Ellie. Hindi nagustuhan ni Jake ang online report na “Ever since Jake confirmed that he is Ellie’s biological father in 2016, he has always been present in the little girl’s birthday celebrations.”

SCENE: “ I’ve been present even before her very first breath. This has been a stated and well known fact. Let’s not confuse people again for the sake of clickbaiting,” ang reaksyon at paglilinaw ni Jake Ejercito.

ROBIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with