Roxanne nagpahawak ng boobs kay JC!

Love is Love cast…

MANILA, Philippines — Kahit na malungkot ang kapalaran ng mga pelikulang pinalalabas sa mga sinehan lately, sunud-sunod pa rin ang mga local film na ipalalabas before Metro Manila Film Festival 2019 sa Pasko.

Magsasalpukan sa November 27 playdate ang The Heiress starring Maricel Soriano and Janella Salvador and Unbreakable nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban and Richard Gutierrez.

Pagdating naman ng December 4 ay showing ang Love is Love starring JC de Vera, Roxanne Barcelo, Raymond Bagatsing, Jay Manalo and Rufa Mae Quinto, directed by GB Sampedro.

Intended for MMFF ang pelikula, but sadly hindi ito nakasama sa eight official entries. Pero tanggap na ni Direk GB ang kapalaran nila. Hindi ito first time sa kanya. Hindi rin nakapasok two years ang Mang Kepweng niya pero nang ipalabas nila, mas malaki ang kinita.

Anyway, grabe ang trailer ng Love is Love.

Isa sa tumatak ay ang eksena nina JC and Roxanne na nakadakma ang kamay ng actor sa boobs ni Roxanne.

Si Raymond naman ay bading na bading sa movie. As in pag nakita mo parang iisipin mo talagang nagladlad na ang actor. Hindi ito ang first time na gumanap na bakla si Raymond.

At any rate, ang Love is Love ay first movie venture ng Royal King Bren International Pictures or RKB Productions.

 

Show comments