Pinakamalaking Korean fantasy-romance drama palabas na sa ABS-CBN
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maaari nga bang mag-ibigan ang isang mortal at isang espiritu?

Sa isang kakaibang hotel sa Seoul, South Korea, matutunghayan ng manonood ang kasagutan. 

Magtatagpo sa Hotel Del Luna, ang pinakabagong Korean series ng ABS-CBN, na nagsisimulang umere kahapon, Nobyembre 18, sina Nathan (Yeo Jin-Goo), isang Harvard graduate na isa sa mga mahuhusay na batang manager ng mga hotel, at si Jang Man-wol (Korean pop star IU), isang kaluluwang may masakit na nakaraang pumipigil sa kanyang tumawid sa kapayapaan, sa isang hotel na nagsisilbing panuluyan ng mga kaluluwang may hindi natapos na misyon sa buhay.

Nang madiskubre ni Nathan ang kanyang abilidad na makakita ng mga espiritu sa tulong ni Jang Man-wol, sasamahan niya ito sa pagpapatakbo ng hotel. Sa kanilang pagtutulungan, makikilala nila lalo ang isa’t isa. Pero paano kung malaman nilang mas malalim pa roon ang kanilang koneksyon?

Maililigtas kaya ni Nathan si Jang Man-wol sa kanyang mapait na nakaraan?

Pinalitan ng Hotel de Luna ang Codename: Terrius.

HOTEL DEL LUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with