Anne malaki na agad ang tiyan

Anne

SEEN: Dumalo kahapon si Patricia Javier sa flag-raising ceremony sa Manila City Hall dahil personal niya na inimbitahan si Manila City Mayor Isko Moreno na dumalo sa coronation night ng 1st Noble Queen of the Universe sa December 1, 2019, Manila Hotel. Tinanggap agad ni Isko ang imbitasyon niya.

SCENE: Hindi lamang si Patricia Javier ang showbiz personality na official candidate ng 1st Noble Queen of the Philippines dahil contestant din si Maffi Papin, ang anak ni Imelda Papin. Gaya ni Patricia, former member si Maffi ng That’s Entertainment.

SEEN: Buhay na buhay pa si Leila Hermosa kaya mali ang claim ng isang Justine dela Rosa sa Kapuso Mo Jessica Soho na malakas ang kanyang pakiramdam na reincarnation siya ng dating aktres. Natukoy ng staff ng programa ni Jessica Soho ang current residence ni Leila Hermosa sa Amerika. Ipinagtapat ni Leila na may kanser siya pero mataas ang tsansa ng pagga­ling niya. Active si Leila sa Facebook kaya wala talagang basehan ang pakiramdam ni Justine dela Rosa.

SCENE: May special participation si Maui Taylor sa Adan bilang ina ni Rhen Escano. Bihira nang napapanood si Maui sa pelikula buhat nang magkaroon siya ng sariling pamilya.

SEEN: Nagulat si Marco Gumabao nang malaman nito na five months pregnant si Anne Curtis, ang leading lady niya sa blockbuster movie na Just A Stranger na ipinalabas noong August 21.

SCENE: Mas marami ang naniniwala na lalaki ang sanggol na ipinagbubuntis ni Anne Curtis dahil sa mabilis na pagbabago ng kanyang mukha at hugis ng katawan. Sa March 2020 ang due date ni Anne sa panganay nila ni Erwan Heussaff.

SEEN: Muling ipinaayos ng isang aktres ang kanyang ilong. Sumobra ang tangos ng bagong ilong ng aktres kaya mahihirapan siya na itanggi ang muling pagpaparetoke niya.

Show comments