Kisses
Pamilya ni Kisses walang planong tumakas sa utang kay Rap
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 18, 2019 - 12:00am

Hindi ko akalain na magiging malaki ang isyu tungkol sa Imperial Palace Suites unit na nirentahan ni Kisses Delavin at pag-aari ni Lorna Tolentino.

Isinulat ko lang na nahihirapan na si Lorna at ang anak nito na si Rap Fernandez sa pag-contact sa kanya para sa kanilang dalawang tseke na deposit pero ipina-stop payment nila.

Lumaki na ngayon ang problema dahil gusto na ni Mother Lily Monteverde na mag-share si Lorna ng gastos sa repair ng elevator na inabot daw ng halos isang milyong piso at mahigit sa isang buwan na hindi nagamit.

Ewan ko kung bakit pumutok sa unit na inuupahan ni Kisses ang water valve na nagdulot ng malaking problema dahil umagos ang tubig hanggang sa elevator kaya nasira ito.

Hindi naman ako naniniwala na wala silang balak na bayaran ang utilities na sinisingil ng administrator ng Imperial Palace Suites.

Kung si Allan Diones na isang movie writer ay nakakabayad on time, mas lalo naman siguro si Kisses na mayaman at isang hotel owner daw sa Masbate ‘di ba?

Saka bago umalis sa lugar na nirerentahan, dapat ayusin ang mga dapat ayusin, kausapin ang landlord at ang building administrator para wala nang maiwan na problema.

Gusto ko ang mother ni Kisses na mukhang mabait, pati na si Kisses na palagay ko ay responsable din kaya hindi dapat nasa attack mode ang fans niya.

Madali lang ayusin ‘yan, tignan ang mga dapat bayaran, tapos ang problema. Please, huwag n’yo nang dagdagan ang issue, i-settle ang account para no problem okey?

Mayor Joy

Mayor Joy ibinalik ang mga bougainvillea sa East Ave.

Type na type ko ang center island sa East Avenue na malapit sa Quezon City Hall dahil ibinalik ang bougainvillea plants na napakagandang tingnan.

Dati nang may tanim na bougainvillea plants sa center island pero pinalitan ng ibang mga halaman.

Para sa akin, mas maganda pa rin ang bougainvillea kesa sa cherry blossoms at sana, magkaroon tayo ng festival na magpapakita ng lahat ng kulay bougainvillea, pink, red, violet, white, bluish, yellowish at baka meron pang iba.

Talagang hanga ako sa tibay ng bougainvillea dahil nabubuhay ito kahit saan itanim at hindi alagain.

Kusang lumalago ang bougainvillea plants na mesmerizing ang iba’t ibang kulay. Parang isang Pilipino ang bougainvillea. Nabubuhay kahit saan, mabulaklak kahit hindi alagaan, matibay at hindi maselan, marunong lumaban sa kalikasan, maulan o maaraw man, standing tall and mighty. O ‘di ba parang tayo, may lindol, baha, bagyo o sunog, nananatili na matatag.

I love Mayor Joy Belmonte dahil binalik niya ang bougainvillea sa center island ng East Avenue. Maganda talaga Mayor Joy, joy to the eyes and heart. Thank you.

Nangyari sa pamilya Gokongwei nakakalungkot

How sad naman ang nangyari sa Gokongwei family. So sad to lose your father, then after a week, ang ina naman nila ang nawala.

Sobra talaga ang closeness ng mag-asawang John at Elizabeth Gokongwei na hanggang kamatayan, gusto nila na magkasama sila.

Close sa showbiz writers si Liza Gokongwei dahil siya ang namamahala sa Summit Media Inc.at si Jo-anne Maglipon ang editor in-chief niya.

Close din si Robina sa mga taga-showbiz dahil nag-a-attend siya sa mga okasyon tulad ng birthday ni Mother Lily Monteverde. Ninang din siya sa kasal ni Keith, ang apo ni Mother Lily.

Mabait ang Gokongwei family kaya kahit mga taga-showbiz, nalungkot sa pagpanaw ng Gokongwei patriarch at matriarch. We honor your sadness, we will always pray for the souls of your parents. God Bless.

KISSES DELAVIN MAYOR JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with