^

PSN Showbiz

KyCine at SethDrea, bibida sa digital movies

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
KyCine at SethDrea, bibida sa digital movies
The Gold Squad

MANILA, Philippines — Nasa digital platform na rin ang The Gold Squad loveteams ng Kadenang Ginto nina Francine Diaz at Kyle Echarri, at Andrea Brillantes and Seth Fedelin.

Ito ay bilang bahagi ng offerings ng iWant sa first anniversary nila.

Magkaibang love stories ang pagbibidahan ng phenomenal love teams ng KyCine (Kyle at Francine) at SethDrea (Seth at Andrea) na mapapanood back-to-back simula Nob­yembre 23 at 27.

Bukod dito, magkakaroon din ng pagkakataon ang kanilang fans na mag-decide kung alin sa dalawang pelikula ang unang mapapanood sa iWant sa pamamagitan ng pagboto sa isang Facebook poll na nag-start na nung November 13 hanggang 22.

Sa Silly Red Shoes ng KyCine, magkaibigang magkakaroon ng mas malalim na pagtitinginan sina Chuck (Kyle) at Ashley (Francine). Sa kagustuhang mabuhay muli ang negosyong sapatusan ng kanyang pamilya, hihingin ni Chuck ang tulong ni Ashley na maging model ng ginawa niyang sapatos para sa isang contest. Ngunit dahil ikinakahiya ang mga paa niyang tila nagbabago ang size araw-araw, mahihirapan ang dalaga na magampanan ang pagiging model sa kabila ng pagbibigay ng lakas ng loob sa kanya ng sapaterong kaibigan. “We have good memories of shooting it on location Liliw,” sabi ni Kyle. “My role as Cassie in ‘Kadena’ is so different kasi she can say what she feels. Dito sa movie, as Ashley, akala mo, masayahin siya pero sa loob pala niya, durog na durog na siya,” sabi naman ni Francine.

Sa Wild Little Love naman ng SethDrea, mapipilitang mag-aral sa isang public high school ang spoiled brat na si Sam (Andrea) bilang parusa. Mahihirapan siyang makisama sa bagong mundong ginagalawan, kaya’t tutulungan siya ng masipag na chick boy na si Jake (Seth) at tuturuan itong pahalagahan ang simpleng buhay.

Ikaw ba ay Team Silly o Team Wild? Iboto na ang pelikulang una mong gustong mapanood sa poll sa official Facebook page ng Dreamscape Entertainment (facebook.com/DreamscapePH) simula Nobyembre 13 (Miyerkules), 8 PM hanggang Nobyembre 22 (Biyernes), 10 PM.

 

vuukle comment

KYCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with