Bela walang panahon sa lalaki!
Bela
Bela walang panahon sa lalaki!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2019 - 12:00am

Itinanggi ni Bela Padilla na siya ay kasalukuyang nakikipag-date sa isang Italyano. Wala naman daw siyang tutol sa pakikipagkaibigan sa mga kalalakihan, pero ang pumasok sa bagong pag-ibig ay wala pa raw sa kanyang agenda. Masyado raw puno ang schedule niya sa trabaho.

Ngayong Disyembre, dalawang malala­king pelikula niya ang ipalalabas. Ang una ay ang Mañanita ni Paul Soriano na nakatakdang i-compete sa international film festivals, at ang ikalawa ay ang entry nila sa Metro Manila Film Festival 2019 na Miracle in Cell no. 7.

Masaya niyang tinanggap ang nasabing proyekto kahit na hindi naman siya ang first choice, kung hindi si Nadine Lustre. Wala siyang pagsisising nadarama dahil sa magagandang reviews na tinatanggap ng movie and the chance to work sa nagbabalik na si Aga Muhlach. Tagahanga na raw si Bela ngayon ni Aga.

Sheree ‘di nasipot ang TNT

Sayang at hindi nasipot ni Sheree ang semis ng TNT Celebrity Champions sa It’s Showtime.

Si Sheree ay dating miyembro ng grupong Viva Hot Babes, at talagang nanggulat siya nang sumali siya sa nasabing contest. Ang alam lang kasi ng lahat, magaling lang siyang sumayaw.

Nagkaroon daw kasi ng conflict sa una niyang natanguang European tour kaya ‘di na siya tumuloy. Inamin ni Sheree na hindi niya ine-expect na mananalo siya dahil may mas marami pa raw na magagaling sa kanya.

Sayang at magandang promo sana kung natuloy siya sa semis para sa gaganaping 2019 Star Awards for Music kung saan siya nominated. Makakatapat ng kanta niyang We Don’t Give A F**k ay ang mga kanta nina Darren Espanto (Poison), Jayda Avanzado (Breathless), Alex Gonzaga (Chambe), Alex at Toni Gonzaga (Otso Na), Loisa Andalio (Sasamahan Kita) at ng Hashtags (Ako Lang Sana). Mapapanood ngayon si Sheree sa seryeng Kadenang Ginto kung saan gumaganap siyang mistress ni Ronnie Lazaro.

Mga miyembro ng FAP may kumpetisyon!

Umandar na naman siguro ang pagiging isnabera at insecure ng maraming malalaking artista natin. Inisnab sa pagiging best actress sa Luna Awards ang mga young actress na sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre, lalo na si Kathryn na talagang napakahusay ng pagkakaganap sa kanyang role sa The Hows of Us. Ni hindi man lang sila ginawang nominee, sa takot ba ng FAPers na baka makalusot sila at manalo?

Paano mo naman aasahan na magagawang matagumpay ni Director General Vivian Velez ang Film Academy of the Philippines (FAP) kung ganyang pataasan pa rin ng ihi ang mga myembro niya? Kailan magkakaroon ng panahon ang mga malalaki nating artista para sa mga maliliit na kasamahan nila sa industriya? Ang kawalan nila ng panahon at kooperasyon ang dahilan kaya nahihirapang umusad ang Actors Guild o Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT). Dadaan talaga si Director Gen. Vivian  sa butas ng karayom. Tulad din ng nangyayari kay Imelda Papin sa KAPPT.

Sarah at Matteo sa Italy magpapakasal?!

Baka madisappoint ang fans nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli kapag hindi dito sa Pilipinas gaganapin ang kanilang kasal, kung hindi sa Italya.

Sana makuntento na lang sila and wish the couple happiness and good luck dahil matutupad din ang union ng dalawang pinakamamahal nilang artista.

Pelikula ng The Gold Squad inaasahang papatok

Sana nga mag-succeed ang debut films ng The Gold Squad nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin na Wild Little Love and Francine Diaz at Kyle Echarri na Silly Red Shoes. Baka kapag nakaranas sila ng kabiguan ay makaapekto sa loveteam na nasimulan sa Kadenang Ginto.

Worried ang fans sa dalawang loveteams na baka masayang lahat ang efforts ng film producers nila, baka sa halip na mapasikat sila agad ay maibalik sila sa simula lalo’t parang ini-extend ang popular na serye para sa kanilang apat. Mapapanood sa iWant ang kanilang pelikula.

 

BELA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with