Parent ni Sarah kontra sa mga paglalantad ni Matteo sa social media?!

Matteo at Sarah

MANILA, Philippines — Noon pa may kuwento ang isang source na hindi nga raw masyadong happy ang parents ni Sarah kay Matteo dahil nga imbes daw na sila ang kausapin ay dinadaan diumano nito sa social media ang mga gustong sabihin sa kanila.

Ewan ko lang kung may effort si Matteo na mag-reach out noon sa parents ni Sarah, pero diumano’y hindi raw nito kinakausap formally ang mga magulang ng magiging misis na popstar royalty.

Kahit daw noong courting stage pa lang ang dalawa, hindi raw madalaw ng actor / singer si Sarah sa bahay.

Owww. True kaya ‘yun?

Anyway, excited ang fans nina Matteo at Sarah sa kanilang pagpapakasal na diumano’y magaganap sa 2020.

Show comments