Mag-ina nagkakasira na Female personality laging bitbit ang dyowa na galit na galit ang mga anak!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

Kuwento ng isang source na hindi nanununog at nangunguryente ay totoong nagkaroon ng tampuhan ang isang female personality at ang sikat niyang anak.

Ilang buwan din daw na hindi naging maganda ang pagtatratuhan ng mag-ina, maraming problema ang lumutang, kasali na ang bagong pakikipagrelasyon ng female personality na kinokontra ng kanyang mga anak.

Kuwento ng aming source, “Ayaw na kasi ng mga anak niya na makipagrelasyon pa siya uli. Una, maayos na naman ang buhay ng mommy nila, kung makikipag­relasyon na naman uli, e, baka maging magulo pa ang buhay niya.

“Hindi naman siya pinagbabawalang maging happy ng mga anak niya, kaya lang, marami na kasing nakarelasyon ang female personality na lahat, e, hindi naman nagtagal!

“So, mas maganda kung huwag na lang sana, ang point naman ng mommy nila, e, may karapatan din siyang maging happy. Nagsakripisyo naman siya nang mahabang panahon para sa mga anak niya, kaya ‘yun na lang sana ang prize niya.

“Kaso, sarado ang mga anak niya sa bagong pakikipagrelasyon niya, walang may gusto, kaya naging malamig ang trato nila sa isa’t isa!” unang kuwento ng aming impormante.

Dati na palang nagkakaroon ng argumento ang female personality at ang kanyang sikat na anak na ang dahilan ay ang suportang ibinibigay ni bagets sa kanyang ama.

Kuwento uli ng aming source, “Mabait na anak kasi ang bagets, kaya nag-aabot siya sa father niya kapag nakakaraket siya, kontrang-kontra du’n ang mommy niya!

“Bakit daw kailangan pa niyang suportahan ang father niya, samantalang pinabayaan nga sila nu’n, saka may trabaho rin naman ang ex niya?

“Siguro, naiisip din ng bagets na bakit ang mommy niya, sobrang makasuporta sa buong angkan niya? Halos du’n na nga sa bahay nila nakatira ang mga kamag-anak ng mommy niya, e!

“Sobrang clannish ang female personality, na hindi naman masama, maganda nga ang ganu’n dahil marami siyang natutulu­ngan. Pero ang point naman ng anak niyang sikat, e, huwag na sana siyang pinanghihimasukan pa sa pagbibigay niya ng support sa father niya!

“Gusto lang naman niyang matikman ng father niya ang pinaghihirapan niya. Saka paminsan-minsan lang naman ‘yun, hindi naman regular!

“May katigasan ang ulo ng female perso­nality, isinasama-sama pa niya ngayon ang bago niyang boyfriend sa pagtatrabaho niya, nagmumurang-kamias si mudra!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Claudine tuloy ang panunulsol kay Gretchen?!

May kapaguran din ang tao. Kapag paulit-ulit na lang ang kanyang ginagawa ay kinasasawaan din niya ‘yun. Lalo na kapag hindi naman sumasagot ang kabilang panig na iniinis niya ay talagang titigil din siya sa pang-iinis.

Sa malaking umpukan ay napag-usapan ang magkakapatid na Barretto na palaging laman ng lahat ng linya ng komunikasyon hanggang sa umabot na nga ‘yun sa ibang bansa.

Dumadalang na ang pagpapatutsada ngayon nina Gret­chen at Claudine sa kanilang kapatid na si Marjorie, sa halip, nagpo-post na lang sila ng mga retratong magkakasama sila ni Mommy Inday Barretto sa mga okasyong dinadaluhan nila.

Nakaganda ang binitiwang salita ni Marjorie na hindi na nito papatulan pa ang mga dirty tactics ng kanyang mga kapatid, mapapagod ang dalawa sa kapaparinig sa kanya, pero wala na lang itong magiging reaksiyon.

Dahil du’n ay nagiging malagihay na ang sitwasyon, hindi na mainit ang pagpapalitan ng pahayag ng magkakapatid, si Claudine na lang ang natitirang walang kasawa-sawa sa pagpapasimuno sa gulo.

Nagkakaisang opinyon ng magkakaumpukan, kung titigil lang si Claudine sa kauurot kay Gretchen ay matatahimik na ang kanilang mundo. Kay Claudine kasi nanggagaling ang mga video at kuwento na pinakikinggan-pinapatulan naman ng kanyang ate.

Masyado kasing libre ang oras ni Claudine, wala siyang pinagkakaabalahan, kaya kung anu-anong senaryo ang pumapasok sa kanyang kukote na hindi nakaga­gan­­da sa buhay nilang magkakapatid.

Sabi nga ni prop, “Makina man, e, pinagpapahinga, ang bibig pa kaya ng magkakapatid na ‘yan ang hindi mapapagod? Overkill na sila!”

GRET­CHEN BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with