Lovi at Joem nagpaka-wild!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

Kapansin-pansin ang Kapuso stars sa premiere night ng The Annulment starring Lovi Poe and Joem Bascon na parehong magaling sa pelikulang ito.

Ilan sa mga namataan naming dumating ay sina Rhian Ramos, Jeric Gonzales, Klea Pineda, Kate Valdez at ilang mga avenger ng Starstruck. Nakita rin naming dumating si Brian Poe na umalis kaagad pagkatapos ng pelikula.

Wala kaming napansing tumakas sa kalagitnaan ng pagpapalabas ng pelikula at tinapos nila ito dahil maganda ang kabuuan nito. Hindi ka makakaalis dahil magkakainteres ka kung paano ito natapos.

Napansin naman na­ming panay ang labas ni Joem habang nano­nood.

Halatang kabado at nakatayo lang ito sa likuran at sinisilip-silip lang ang pelikula.

Nakakabigla rin kasi ang love scenes nila ni Lovi na nakikita namang kumportable sila sa isa’t isa.

“Mahaba-haba na rin ang pinagsamahan namin ni Lovi.

“Pero dito iba siya eh,” pakli ng Kapamil­ya actor.

Sinundan namin ng tanong kung totoong nagkabalikan ba sila ni Meryll Soriano. “Ay hindi po,” mabilis niyang sagot sa amin.

Iyon ang isa sa kumalat na kuwento nang nagkasama sila sa shooting ng Culion.“Nagka-work lang kami. We’re rea­l­ly really good friends,” sabi ni Joem.

Napapa-oo naman si Joem nang tinanong ko kung committed pa rin siya sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Si Lovi naman ay kabado rin lalo na ang daring scenes niya

“Nagugulat ako! Kinakabahan pa rin ako, lalo na ngayon,” natatawang saad ni Lovi.

Mapapanood na ngayong araw ang The Annulment na dinirek ni MacArthur Alejandre, at binigyan ng Cinema Evaluation Board ng Grade B.

Miss Thailand nanalo

Isa kami sa tumutok sa live streaming ng Miss International 2019 na kung saan mahigpit ding nakipaglaban ang pambato nating si Bea Patricia Magtanong.

Unfortunately, hanggang top 8 lang siya at hindi man lang naging runner-up sa bagong Miss International na si Sireethorn Leigharamwat ng Thailand.

Sa totoo lang, impressive ang performance ni Patch sa Miss International kahapon lalo nang magbigay silang walo ng kani-kanilang speech kung bakit sila ang karapat-dapat na hiranging Miss International 2019.

Ang ganda ng speech ng ating kandidata na isang lawyer na tumalakay sa women empowerment.

The Clash 12 finalists pinakilala na

Ipinakilala noong Lunes ng gabi ang 12 finalists ng The Clash sa media na maglalaban-laban din sa isa’t-isa.

Sila ay sina Al Fritz, Aljon Gutierrez, Antonette, Clark Serafin, Janina Gonzales, Jennifer Maravilla, Jere­miah Tiangco, Lorraine Galvez, Nef Medina, Sassa Dagdag, Thea Astley at si Tombi Romulo.

Tinanong silang lahat kung sino sa kapwa finalist ang kinatatakutan nilang maka-clash, at karamihan sa kanila ay si Jeremiah Tiangco ang binanggit.

Iba raw ang style ni Jeremiah na kahit ang simpleng kanta ay parang gustung-gusto mo raw pakinggan kapag siya na ang kumakanta.

Lalo tuloy na-pressure ang binata ng Cavite dahil hindi naman daw niya naisip na dapat siyang katakutan.

Magagaling naman silang lahat, pero nagustuhan din namin si Thea Astley ng Qatar na parang mala-KZ Tandingan ang style.

Idol nga raw niya si KZ, pati si Julie Anne San Jose at si Kyla na kung papalarin, tipong career path daw ang gusto niyang tahakin.

First singing competition daw itong nasalihan niya sa The Clash, kaya sobrang excited daw siya at hindi niya alam kung ano ang magiging resulta nito.

JOEM BASCON LOVI POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with