Judy Ann
Starla pasok agad sa top 10 most-watched
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — FPJ’s Ang Probinsyano (35%) pa rin ang hari ng pinaka-pinapanood na mga programa sa bansa, habang kumapit naman ang viewers hanggang sa dulo ng  The General’s Daughter (34.1%) na natapos noong nakaraang buwan ayon sa survey ng Kantar Media. 

Marami rin ang sumubaybay sa The Voice Kids (30.2%) tuwing weekend, habang pasok naman sa panlasa ng manonood ang Parasite Island (28.8%). Nasa ikalimang pwesto naman ang TV Patrol (28.2%) na pinagkukunan ng impormasyon at mahahalagang balita ng mga Pilipino.

Kuminang din agad ang bagong Kapamilya teleserye na Starla (28.1%) sa pagpasok nito sa top 10 most watched shows.  Kinukumpleto naman ng Home Sweetie Home: Extra Sweet (25.5%), Maalaala Mo Kaya (24.6%), at Rated K: Handa Na Ba Kayo? (23.2%) ang listahan.

Samantala, nagwagi rin ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks noong Oktubre, sa pangunguna nito sa primetime (6:00 PM-12:00 MN) kung saan nagtala ito ng 47% share,; sa afternoon block (3:00 PM-6:00 PM) kung saan nagtala ito ng 45%; sa noontime block (12:00 NN-3:00 PM) 44%, at sa morning block (6:00 AM-12:00 NN) with 38%.

Samantala, marami namang manonood ang namangha sa nakakabilib na moments ng Pinoy at foreign acts sa bagong two-in-one talent reality competition na Your Moment kaya naman umarangkada agad sa ratings ang unang dalawang episodes nito.

Nagtala ang world premiere ng programa ng national TV rating na 28.9%  noong Sabado (Nob­yembre 9), ayon pa sa Kantar Media. Patuloy namang kinapitan ang Your Moment noong Linggo (Nobyembre 10) kung kailan nakatanggap ito ng national TV rating na 26.3%.

Sa world premiere ng programa, unang nasaksihan ang moderno at enggrandeng revolving set na umiikot sa magkaibang dancing at singing stage, pati na ang emotion meter na ginagamit ng judges na sina Billy Crawford, Nadine Lustre, at Boy Abunda para bigyan ng score ang bawat performance.

Namutawi rin ang kwento ng pagsasama­han at pagtutulungan ng mga nagwaging dancing acts na Ruthless Comrades ng Taytay, Rizal at Kenyo Street Fam ng Bulacan.

Sama-sama namang nagpamangha ang winning singing act na Lez 2 Men ang lesbian trio ng Cainta, Rizal, habang napuno naman ng rock and roll ang entablado dahil sa Indonesian duo na The Dens Gonjalez.

JUDY ANN SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with