Kapatid ni Ruru may parinig kay Bianca?!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2019 - 12:00am

Naka-set sa “comments on this post have been limited” ang comment box ng Instagram (IG) ni Bianca Umali, kaya walang makapag-comment at lalong walang makapang-bash sa kanya. Nang i-check ang IG ng aktres, hindi lang ang latest post niya ang may ganu’ng advisory, kundi ang buong IG nito.

Nagkita sina Ruru at Bianca sa Thanks­giving Party ng GMA Network, hindi sila nag-iwasan at may mga litrato pang magkasama. Sa isang picture nga, nakaakbay si Ruru kay Bianca at pareho silang naka-smile.

Nakapag-usap na for sure ang dalawa at baka nga, naayos na nila ang kanilang problema. Pero, okay kaya ito sa dad ni Ruru na nagalit nang husto kay Bianca?

Ang sister nga ni Ruru na si Rere Madrid, may cryptic post na sabi ng nakabasa, patungkol kay Bianca.

Post ni Rere: “Treat people the way you want to be treated. Talk to people the way you want to be talked to. Respect is earned, not given.”

Naalala namin, ang pagiging selosa rin ni Bianca ang narinig na­ming rason (bukod kay Ruru) sa break-up nila ni Miguel Tanfelix. Lahat nang mapalapit na girls kay Miguel, pinagseselosan at parang naniniwala kami dahil sa naging isyu nila ni Kyline Alcantara na kanyang pinagselosan habang ginagawa nila ang isang project.

Derek at Andrea sobra ang pagka-in love

Patuloy ang pagpapakilig nina Derek Ramsay at Andrea Torres sa socmed at ang latest ay ang tila paglalaro at paghahabulan nila sa golf course. Muntik pa ngang madapa si Andrea sa pagmamadaling tumakbo.

Pinakilig din nina Derek at Andrea ang fans nila sa short convo nila sa shoot ng GMA Network Christmas Station ID. Sob­rang sexy ni Andrea sa suot na red gown na may mahabang slit at kita ang hita. Pinost ni Derek ang photo ng GF at nag-comment ng “such a beaut.” Sumagot si Andrea ng “Haay, I’m the happiest Chin Chin! P.S. Gwapo ka naman talaga. Super.”

Pati sa Thanksgiving Party ng GMA Network, pinakilig din ng dalawa ang kapwa Kapuso stars nila sa halos hindi nila paghihiwalay. May nakita pa kaming video na sumasayaw si Derek at sa video ni Andrea, kumakanta ang aktor ng kanta ni Enrique Iglesias na Hero.

Comment ng netizens, nag-loosen up si Derek mula nang maging sila ni Andrea, hindi na lang puro sports at career ang schedule nito. Kumakanta at sumasayaw na rin at dahil ito kay Andrea.

Nagkita pala sa party ng GMA Network sina Andrea at former love team na si Mikael Daez. Pinost ni Andrea ang litrato nila at may caption na 7 Years After na hindi alam kung ang ibig sabihin ay seven years ng wala ang love team nila.

Viva Films sunud-sunod ang pelikula tungkol sa LGBT

Napansin pala namin, magkasunod ang showing ng Viva Films movie na tungkol sa LGBT.

Mauuna ang showing ng Two Love You na bida si Lassy Marquez at showing sa November 13. Sa Nov. 20, ang showing ng Adan a love story ng lesbianism ang mapapanood. Parehong magiging controversial ang dalawang pelikula at pag-uusapan tiyak.

Produced ng OgieD Productions ni Ogie Diaz ang Two Love You na ire-release ng Viva Films, kaya malaki ang pasasalamat ni Ogie kay Mr. Vic del Rosario na agad pumayag i-release ang kanyang pelikula. May mga kasunod pa siyang movies na naka-line up after Two Love You na hopefully, suportahan.

Bida sa Two Love You sina Yen Santos at Kid Yambao at ka-love triangle nila si Lassy. Biniro si Yen kung sino ang mas masarap kahalikan kina Lassy at Kid.

BIANCA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with