Bianca nagwala sa selos kay Jasmine

Bianca

SEEN: Nadagdagan ang ingay ng Cara X Jagger dahil sa unexpected scene na ginawa ni Bianca Umali sa parking lot ng SM Megamall pagkatapos ng red carpet premiere noong Martes ng pelikula nina Ruru Madrid at Jasmine Curtis Smith. Walang make up si Bianca nang dumalo ito sa premiere night ng Cara X Jagger at awayin si Ruru sa harap ng maraming tao.

Pinatotohanan ng isang eyewitness na muntik nang masagasaan si Ruru ng sasakyan na minamaneho ni Bianca pero bumaba pa ito para magmano sa ama ng kanyang boyfriend. Dismayadong-dismayado ang ama ni Ruru na napaiyak nang makita ang ginawa ni Bianca.

SCENE: Open secret sa showbiz ang relasyon nina Ruru Madrid at Bianca Umali pero hindi umaamin ang dalawa, kahit nakikita sila na madalas na nagbabakasyon sa iba’t ibang lugar. Hindi invited si Bianca sa premiere night ng Cara X Jagger pero may nagsama sa kanya bilang sorpresa kay Ruru pero kabaligtaran ang nangyari. Ang balita na selos na selos si Bianca kay Jasmine dahil alam niya na matagal nang may crush sa leading lady ng Cara X Jagger ang kanyang boyfriend. Sinabi ng isang confidante ni Jasmine na masaya ito sa piling ng boyfriend na si Jeff Ortega.

SEEN: Tumanggap ng mga papuri sina Jeffrey Quizon at KZ Tandingan dahil sa kanilang mahusay na pagganap sa The Art of Ligaw ng Coreminds Inc. Pasado si KZ bilang aktres sa kanyang unang pelikula.

SCENE: Dahil sa personal na dahilan, nag-back out si Sheree sa Tawag ng Tanghalan, Celebrity Champions. Daily celebrity winner si Sheree ng singing competition ng It’s Showtime at kabilang sa mga contestant ang ama ng kanyang anak na si Gian Magdangal.

SEEN: Ang pictorial nina Anne Curtis at Vice Ganda noong Martes sa ABS-CBN studio para sa The Mall, The Merrier, ang official entry ng Star Cinema at Viva Films sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Show comments