Nicole
Atong ang itinanggi sina Gretchen, Claudine at Nicole!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

Barrettos tinatalbugan na ang Kardashians! Gretchen nakalayas na ng PH

MANILA, Philippines —  Grabe mas lumala pa ang issue sa Barrettos. Parang dinadaig na nila ang Kardashians.

Imagine matapos ibunyag ni Nicole Barretto na diumano’y nagkaroon sila ng agawan ng tiyahing si Gretchen na ang tinuro naman ni Gretchen ay si Claudine, itinanggi ng negos­yanteng si Atong Ang ang mga sinabi ng mag-tita.

Bukod sa pinadala niyang statement sa ABS-CBN, nagpa-interview din si Mr. Ang sa programa nina Arnold Clavio and Ali Sotto sa DZBB (Dobol A sa Dobol B) kahapon ng umaga.

“Masasabi mo lang na girlfriend kapag nakapatong ka na diyan,” bungad ni Mr. Ang sa mga tanong nina Igan.

“Eh bakit ko naman aaminin na ganon, eh wala namang ganon. May nakakita ba? Eh wala naman ganon di ba?” dagdag ng negosyanteng may mga pag-aaring sabungan at casino operator.

Sinabi nga kasi ni Nicole na “I’m sta­ting the fact that my own aunt stole my boyfriend” na sinagot naman ni Gretchen ng “I was told by Atong ‘nilako si Nicole sa akin ng nanay nya’

“Oh, I’m sorry. I was told that Nicole stole Atong from her aunt Claudine.”

Paliwanag ni Mr. Ang sa nasabing palitan ng salita ng magtiyahin ay : “Well, ayoko magsalita sa ganyan. Totally dine-deny ko lang talaga ‘yan, kasi bakit ka magsasalita ng kung ano-ano? Basta ang sa akin, happy ako sa pamilya ko, sa asawa ko.”

Depensa pa ni Mr. Ang : “Maliwanag naman na isinasama ko sila sa pamilya ko. Ibig sabihin makikita n’yo doon na walang kalokohan.

“Kung ipagpapalit mo sa iba, dapat hindi ko sila ipinagsasama-sama nang ganyan ‘di ba? Unang-una hindi naman kami nagsasama sa mga bahay-bahay wala naman kaming mga bahay. May kanya-kanya ka­ming buhay,” sabi pa nito sa interview na published din GMA7.com.

Eh ano ba talaga ‘yung tungkol sa kanila ni Nicole na anak ni JJ Barretto?

“Ang istorya naman diyan siguro mga eight years  or mga nine years ago, si Marichi na mommy ni Nicole tumutulong sa negosyo ko ‘yan, noong nag-i-istart pa lang ako. ‘Di ba lumabas ako nang kulungan? Tumutulong sila sa akin sa negosyo ko dati.

“Tapos nung grumaduate naman si Nicole, tumulong naman sa kin si Nicole, ‘yong sa mga booking ko lalo na kapag may mga flight ako. Nakakasama ko na si Nicole noong naka-graduate na,” pagpapatuloy ni Mr. Ang.

“Naging close sa mga anak ko, nagpupunta sa bahay ko, kami-kami nila Marichi, magkakasama kami dun sa restaurant nila Art Atayde before so naging close kami as family rin. 

“So nangyari ‘yon, mga four years kaming magkakasama noon,” mahabang pahayag nito.

Hanggang nagkaroon diumano ng misunderstanding at hindi raw niya alam ang pinanggagali­ngan ng nasabing gulo kaya nagtataka raw siya kung bakit may mga ganyan pang isyu.

 Tungkol naman kay Claudine, sinabi nitong tinulungan niya lang ang actress dahil nagka-problema ito sa isang Martin Castro na anak ng kumpare niyang si Ronnie Castro na isang pulitiko.

At tulad sa sinabi niya sa naunang statement, magkakasosyo diumano sila sa negosyo at malapit si Gretchen sa kanyang asawa.

“Sa Okada sila, sa Okada. May junket ako doon ‘yong grupo na ‘yan meron akong mga junket diyan. Nag-invest din sila Gretchen sa negosyo namin so pati sa sabong nag-invest din si Gretchen, magkakasama kami,” sabi pa nito sa interview.

At ang kung nakikita man daw siya sa sabungan ko casino, ‘yung interpretation nila ay conclusion lang nila.

Maalalang nung 2017 din ay nagkaroon ng airport scandal sina Mr. Ang and Gretchen nang bigyan nila ng VIP treatment sa airport pagkagaling ng Bangkok, Thailand.

Nauna nang naglabas ng family photo ni Atong Ang si Gretchen na obvious pangontra na sa mga bintang tungkol sa kanila : “Here is Mr. Atong & Mrs. Iris Ang & family. This family happens to be our family too. We will protect our happy life, Nicole. We love each other dearly.”
Anyway, kahapon nga ay nakalabas na ng bansa ang controversial socialite / former actress na si La Greta.

Nasa San Francisco na siya para makasama ang anak na si Dominique.

“What i need , a whole lot of love. My little one @dominique asked me to fly to San Francisco for her to feed me, she says she wont let me go home until i gain back some weight role reversal my grandson chapo got to me first chapo before my baby Dominique welcome to San Francisco,” caption ni Ms. Greta pagdating ng SanFo at salubungin ng aso nilang si Chapo.

Pero kahit na nga nasa ibang bansa na ito, sumasagot siya sa mga tanong ng maka-Gretchen.

Bakit daw wala si Mommy Inday nila sa last birthday celebration ng kanilang namayapang Daddy Miguel sa bahay ni Marjorie last October 6.

“Because Marjorie did not invite my mom to the gathering & that’s what caused my dads attack,” buwelta nito.

Kakawindang na ang mga pangyayari sa kanila sa true lang.

 Pero ayon sa isang source, sinabihan na sila ng isa nilang kapatid na si Gia Barretto-Reyes na nakatira na ang pamilya sa Amerika na tumigil na sila.  Naging controversial na noong 2013 si Gia nang kampihan niya si Claudine sa away nila ni Gretchen.  

NICOLE BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with