Claudine
Hindi permanente ang ganda…
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2019 - 12:00am

Sabi nga, all these things sa mundo, hindi permanent Salve. Tatanda ka at sa pagtanda mo, hindi ka na rin ganoon kaganda.

At kapag nawala ang ganda ng isang tao, puwedeng mawala rin ang protector, sponsor at nagmamahal sa kanya dahil hahanap ito ng mas bata at maganda.

I am thinking of the Barretto sisters. Ang gaganda nila ngayon, well off, pero tatanda rin sila at puwedeng mawala rin ang kanilang mga tinatamasa sa kasalukuyan.

At kung mangyari ‘yon, ito na kaya ang tamang panahon para magkasundo at magkaayos sila?

Ang pagtanda kaya ng Barretto sisters ang way para mabalik ang kanilang closeness dahil ‘yon ang  time na wala na ang yaman, luxury at privileges na tinatamasa nila ngayon?

Kapag nawala na ang lahat ng ito, bumalik kaya sa dati ang kanilang sisterly love para sa isa’t isa, ang panahon na tinutulungan ng mas nakaririwasa ang less-fortunate sibling?

Ito na kaya ang maging sagot sa war of the century na nagaganap sa kanila, ang back to basic, when they are helping each other dahil hindi pa ganoon karami ang meron sila sa ngayon? Ito na kaya ang solusyon?

Relasyon ni atong kay Claudine na-trace na

Nagsalita na ang businessman na si Atong Ang tungkol sa tunay na relasyon niya kay Gretchen Barretto.

Sinabi ni Papa Atong na business partners lamang sila ni Gretchen sa sabong at casino kaya madalas na nakikita ang dalawa na magkasama sa Resorts World Manila.

Ipinaliwanag din ni Papa Atong na ang pagtulong niya noon kay Claudine nang magkaroon ito ng problema sa isang Martin Castro ang tanging relasyon nila.

Si Martin ang kaibigan ni Raymart Santiago na estranged husband na ngayon ni Claudine. Nagalit si Claudine kay Angelica Panganiban dahil ito ang pinagbintangan niya na nagkalat ng tsismis na may bawal na relasyon sila ni Martin.

BFF din ni Martin si Derek Ramsay na dating boyfriend ni Angelica at nangyari ang gulo noong 2010, ang panahon na maayos pa ang pagsasama nina Claudine at Raymart at hindi pa naghihiwalay sina Derek at Angelica.

Kaibigan ni Papa Atong ang dating mayor ng Balagtas, Bulacan na tatay ni Martin kaya nagkaroon ng closure ang isyu tungkol kay Claudine.

Hindi itinanggi ni Papa Atong na magkakilala sila ni Nicole, ang pamangkin nina Gretchen at Claudine. Pinag-aral ni Papa Atong si Nicole dahil anak ito ng kanyang empleyado na asawa ni JJ, ang kapatid na lalake nina Gretchen at Marjorie.

Dahil sa mga pahayag ni Papa Atong, inaasahan na matatapos na ang mga tsismis na nagli-link sa kanya kay Gretchen na lumipad sa US for a much-needed vacation.

Bernard tinablan sa panawagan

Effective ang panawagan ko kay Bernard Cloma dahil ipadadala raw niya sa salon ni Bambbi Fuentes ang giveaway na Jo Malone candle sa binyag ng anak nina Congressman Lord Allan Jay at Wen Velasco.

Ipinakita rin ni Bernard ang picture na pinipirmahan ni champ Manny Pacquiao ang gloves na kinukulit sa akin ng apo ko na si Kinsey.

At para patunayan na close pa rin siya kina Papa Manny at Jinkee, pictorial galore ang Bernard na may-sakit  at sobrang busy daw kaya hindi naibigay ang gloves at giveaway na hinihingi ko.

Si Jinkee pa ang nagtanong kung magkagalit kami ni Bernard dahil nakarating sa kanya ang panawagan ko.

Actually, mabait naman si Bernard, maasikaso, madaling hingan ng pabor pero pumapalpak din minsan dahil sa dami ng mga pangako.

CLAUDINE BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with