Barbie Imperial
Barbie, nakipagsosyo sa restaurant
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

Bukod sa pagiging isang artista ay sumabak na rin sa pagiging negosyante si Barbie Imperial. Kasosyo na ang aktres sa isang branch ng Tipsy Pig bar and restaurant. Naisipan umano ng dalaga na pumasok sa negosyo mula nang mabigo sa pag-ibig. Matatandaang si JM de Guzman ang huling naugnay sa dalaga.

Naging kontrobersyal din ang paghihiwalay ng dalawa nang magtapos ang teleseryeng pinagbidahan na Araw-Gabi. “‘Yung night na nakasama ko sina Marco (Gumabao), parang first week ‘yon na naging single ako. So naghahanap talaga ako ng gagawin, eh ‘yung grupo namin nina Marco talaga ‘yung to the rescue sa akin no’ng night na ‘yon. For me blessing din na nangyari ‘yon kasi mas naging open ako na mag-business. Mas naging focused ako sa work ko,” kwento ni Barbie.

Isang bagong negosyo rin ang binabalak pasukin ng aktres. Nagbabalak ngayon si Barbie na mag-invest sa bagong itatayong branch ng Hazelberry na pag-aari naman ni Ara Mina. Nagkasama at naging magkaibigan sina Ara at Barbie dahil sa nagtapos na serye. “Si Ate Ara kasi ang dami niya ring business eh. Grabe, nakaka-inspire siya, ang dami niyang work, ang dami niyang ginagawa. Actually, magtatayo pa siya ng isang Hazelberry. Tapos gusto niya akong mag-invest doon,” pagbabahagi ng aktres.

Maymay nabaliw sa Northern Lights

Kababalik pa lamang sa bansa nina Maymay Entrata at Edward Barber mula sa Norway kung saan nakapagtrabaho at nakapagbakasyon ang dalawa.

Masayang-masaya ang tambalan ng MayWard dahil nasaksihan nila ang aurora borealis o northern lights sa kauna-unahang pagkakataon. “Parang usok lang siya noong una. Sabi ko, ‘Usok lang naman ‘yan. Tapos biglang nagkakulay, tapos lumakas nang lumakas, sobrang lakas. Sabi ko, ‘Hala! Dong,’ para kaming baliw, punta ka dito. Pasan ako sa kanya tapos ‘yung tatay niya nag-picture sa amin. Tapos solo-solo kami ni Edward for ten minutes po natapos naming lahat ng ‘yon, solo, kaming dalawa,” naka­ngiting pahayag ni Maymay.

Hindi pa opisyal na magkasintahan ang tambalan ng Mayward dahil patuloy pa rin ang ginagawang panliligaw ng binata sa aktres.

Ayon kay Maymay ay hindi dapat minamadali ang mga bagay-bagay para sa pakikipagrelasyon. “Hindi, saka lesson na rin ‘yon sa mga babae na ‘pag feeling n’yo magical na 12 a.m., sasagutin n’yo ang nanliligaw sa inyo, hindi po ‘yan totoo. Dapat ramdamin mo tsaka mo siya sagutin ‘pag okay na ang lahat,” giit niya. (Reports from JCC)

BARBIE IMPERIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with