Andrea
Andrea bawal magpetiks sa trabaho dahil sa pinapagawang bahay
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Andrea Brillantes dahil sa kabi-kabilang biyaya na kanyang natatanggap sa nga­yon. Bukod sa pagkakaroon ng maraming trabaho ay kasalukuyan na ring ipinagagawa ng aktres ang bagong bahay para sa pamilya.

“Masaya pero natatakot rin kasi siyempre kailangan ko i-maintain ang mga nangyayari ngayon. Pero all in all masaya talaga ako and mas nag-work hard ako. Siyempre bawal na akong mag-chill kasi may pinapagawa na akong bagong bahay,” nakangiting pahayag ni Andrea.

Malaki ang pasasalamat ng dalaga sa lahat ng mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa teleseryeng Kadenang Ginto.

“Lahat ng meron ako ngayon dahil ‘yon sa mga fans ko. Kung wala sila, wala ako ngayon. Hindi ko natatanggap kung ano ang meron ako ngayon kaya sobrang nagpapasalamat ako,” giit ng aktres.

Patuloy din na sinusubaybayan ang tambalan nina Andrea at Seth Fedelin sa naturang serye. Ayon sa aktres ay halos magkapareho sila ng binata ng ugali kaya magkasundung-magkasundo ang dalawa.

“Kasi ever since na na-meet ko si Seth, parang never naman na nagkaroon ng ilangan. Parang natural naman ang chemistry namin noong na-meet ko siya. Parang after taping namin sa Kadenang Ginto, close na agad kami. Kasi parang magkalapit agad ang personality namin. Ngayon po mas lumalalim ang friendship namin, ang samahan namin. Mas nakikilala ko siya, nakikilala niya ako. Mas focus kami sa trabaho namin ngayon. Alam ko nandiyan siya para sa akin at alam rin niya nandito ako para sa kanya,” pagbabahagi ng dating child star.

Enzo ine-enjoy ang moments kay Michelle

Kahapon ay nagwakas na ang teleseryeng Nang Ngumiti Ang La­ngit. Kabilang sa naturang serye ang bagong tambalan nina Enzo Pineda at Michelle Vito.

Hindi raw inakala ng aktor na tatangkilin ng mga tagahanga ang kanilang loveteam ng dalaga. “It’s been a pleasure working with Michelle lalo na sa teleserye. Hindi namin ini-expect na we would have this following and fan base. As co-actors, wala kaming  naging problema. We’re really grateful na nabigyan kami ng pagkakataon,” bungad ni Enzo.

Parehong walang karelasyon ngayon sina Michelle at Enzo kaya may ilang nagsasabing posibleng magkamabutihan ang dalawa.

“I think mangyayari naman na magiging close kami. Kasi it’s been eight months at lagi kong katrabaho at kasama si Michelle. So hindi ko lang siya katrabaho, she’s now my good friend. Right now, we’re just enjoying what we have. I don’t want to base it na dahil nagkatrabaho kami, may something na. Bilang good friends kami, I really admire her and happy na isa sa mga matalik kong kaibigan ngayon si Michelle, and I’m happy with that. In the future, I don’t know, let’s see. I’m just really enjoying the moment right now,” makahulugang pahayag ng aktor.

 

ANDREA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with