Markus
Markus, iniiwasang makatrabaho si Janella
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2019 - 12:00am

Isa si Markus Paterson sa mga bida ng original drama-thriller na Kargo. Mapapanood ang nasabing series sa iWant. Kapansin-pansin ang magaling na pagganap ni Markus na aminadong hinusayan niya talaga para sa pamilya. “Of course, my friends, my family, my mom.

They’re always supporting my career, and nagkaroon ako ng aksidente. I needed a lot of family support. And I’m thankful that my family is there. My Star Magic family is there to look after me. And the road to recovery was a lot quicker, was a lot better just by having the chance to get better again,” nakangiting pahayag ni Markus.

Samantala, mukhang nagkakamabutihan na talaga ang aktor at si Janella Salvador pero wala pang direktang pag-amin mula sa dalawa tungkol sa tunay nilang relasyon. “Real score? Or course alam n’yo naman na wala akong sasabihin to confirm or deny. We’re great,” giit ng binata.

Matatandaang nagkatrabaho sina Markus at Janella sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya ilang buwan na ang nakalilipas. Mula noon ay naging malapit na ang loob nila sa isa’t isa. “Magsi-six months (na magkaibigan), ten months  since MMK. Doon lang talaga kami na­ging close ni Janella. She’s amazing, she’s beautiful. She’s warm. She’s a great actress,” pagbabahagi ng aktor.

Kahit nagkakamabutihan na ay ayaw naman umano ng binata na makatambal o makasama sa isang proyekto si Janella. “‘Yon po ‘yung iniiwasan ko, ob­vious reasons. I mean, she has her own career. I have my own career. Ayaw natin i-touch ‘yun,” pagtatapos ni Markus.

Iza, nagkuwento ng ginawa ni John Lloyd sa kanilang pelikula

Ginulat ni John Lloyd Cruz ang lahat nang nakapanood ng trailer ng pelikulang Culion na pinagbibidahan nina Iza Calzado at Joem Bascon. Mayroon kasing special appearance si John Lloyd sa nasabing pelikula. “I think he knew about it. It’s just that was his request, na not to make him the center of the promo which he wasn’t. It is a cameo. As a matter of fact, it’s one scene. But it’s a very important scene for Meryll’s character. Actually feeling ko nga baka ‘yon ‘yung pinaka-nakakaiyak na moment eh. Ang sakit kasi ng moment na ‘yon eh. Kasi sa lahat ng characters parang kay Meryll ‘yung masakit talaga eh. Memories are painful,” paglalahad ni Iza.

Umaasa ang aktres na makakalahok pa ang kanilang pelikula sa nalalapit na Metro Manila Film Festival 2019. Matatandaang 2017 pa nang iwanan ni John Lloyd ang show business kaya tiyak na aabangan ng mga tagahanga ng aktor ang bagong pelikula. “I think media is just really excited to see him as well. The same way we were excited. I’m always excited to see him. Like to see him on the set. Unfortunately, I didn’t have a scene with him,” dagdag pa ni Iza. (Reports from JCC)

JANELLA MARKUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with