^

PSN Showbiz

Kahit parang may honeymoon na sa Paris Janine hindi pa handang pakasalan si Rayver!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kahit parang may honeymoon na sa Paris Janine hindi pa handang pakasalan si Rayver!

Ngayong araw na magsisimula ang QCinema International Film Festival na isa sa sinimulang proyekto nung Vice Mayor pa lang si QC Mayor Joy Belmonte.

Hanggang October 22 ang naturang filmfest na mapapanood sa mga sinehan sa Quezon City.

Mamayang gabi ay magkakaroon ng gala showing ang isa sa malakas na entry, ang pelikulang Babae at Baril na pinagbidahan ni Janine Gutierrez.

Babae ang direktor nito na si direk Rae Red mula rin sa pamilya ng mga magagaling na direktor.

Mabigat ang role na kung saan napasabak sa action scenes si Janine pero maganda raw ang pagkaka-handle dahil babae ang direktor at nagsulat. Pati nga ibang staff ay mga babae rin kaya kumportable ang Kapuso actress.

 “I think importante ang babae ang nagsulat, babae ang nagdirek kasi naiintindihan niya ang pinagdadaanan ng mga babae eh.

“Yun ngang pag-explain sa akin ni direk, maraming babaeng may pinagdadaanan araw-araw na maliit na bagay na darating sa point na mapupuno ka.

“Kahit yung simpleng nakasakay ka sa jeep tapos may didikit nang sobra sa ‘yo, o naglalakad ka sa kalye merong susutsot sa ‘yo.

“Yung mga maliliit na bagay na pinagdadaanan ng mga babae na I think importante na babae rin yung nagpakita o naglatag ng eksena para talagang ramdam mo.

“Even if you never experienced something like that na masuwerte ka o sobrang sheltered ka, o lalaki ka mararamdaman mo din yung gigil na nagagawa mo sa isang babae.”

Iyun daw ang isa sa mensahe ng pelikula niya na para sa mga kababaihang nakakaranas ng ganun, dapat marunong magsalita at iparating sa kinauukulan, huwag manahimik lang.

Proud si Janine sa Babae at Baril na puwede siyang lumaban para sa acting award na magkakaroon ng awards night sa darating na Biyernes, October 18.

Sa mediacon ng naturang pelikula na ginanap sa Aristocrat Restaurant sa QC Circle kahapon, napag-usapan na rin namin ang recent vacation nila ni Rayver Cruz sa Paris, France.

Dumalo si Janine sa Paris Fashion Week at si Rayver naman ay dinalaw daw ang isang pinsan niya roon. Kaya tamang-tama lang, nagkasabay na silang umalis.

Sabi nga ng ilan, parang honeymooners daw silang dalawa roon lalo na’t silang dalawa lang ang nagbiyahe. “Dahil ba sa Paris, honeymoon na?” nakangiting pakli ni Janine.

Tinukso nga naming baka nag-propose na doon si Rayver sa may harap ng umiilaw na Eiffel Tower. “Nasa Colosseum nga kami, habang nandun kami may dalawang nag-propose dun. Ang daming nagpu-propose dito.

“Alam niya na hindi pa kami dalawa handa. Wait lang muna. Alam niya na hindi pa talaga ako ready,” pahayag ng Kapuso actress.

Natutuwa lang daw siya sa biyahe nila ngayon ni Rayver dahil talagang ang aktor ang nag-ayos at nagplano ng trip na iyon.

Ang karamihang biyahe abroad daw kasi ni Rayver ay nung nasa Star Magic pa siya at hindi naman siya ang nag-ayos.

Kaya nakakatuwa raw na si Rayver ang nag-asikaso nito.

“Sobrang nag-step up siya.

”Niloloko ko kasi siya na hindi siya marunong magplano. Kasi lahat ng biyahe niya, sobrang daming tatak ng passport niya, naikot niya buong mundo pero halos lahat nun, Star Magic.

“This trip ang dami niyang pinlano, sobrang proud ako sa kanya. Talagang nag-research siya, nag-research siya ng mga restaurant. Parang proud din siya sa sarili niya kasi dapat daw i-tweet ko na ginalingan niya,” masayang kuwento ni Janine.

Ang isa pang ikinatuwa niya ay ang pagkahilig daw ni Rayver sa photography, at siya siyempre ang paboritong subject.

“Ngayon kasi mahilig na siya mag-photography. So, yan nakaka-benefit ako diyan.

 “Pangarap ko kasi na magkaroon ng travel buddy na parang si Erwan (Heussaff). Si Erwan kasi palaging nagti-take ng pictures ni Anne (Curtis), gumagawa ng video.

“Sabi ko shocks ang saya. So ngayon may bagong camera siya. Happy ako kasi ganadung-ganado siya mag-picture, mag-video. O para sa vlog mo. Tapos nagbi-video video siya. Iyun siguro ang bago sa trip namin,” tsika pa ni Janine sa amin.

Ricky natupad na ang pangarap na magka-concert

Congratulations kay direk Ricky Davao dahil natupad na rin ang matagal na niyang dream na magkaroon ng sariling concert.

Nangyari ito sa Pinoy Playlist nung nakaraang Linggo, October 13 sa BGC Arts Center.

Kasama raw sa bucket list niyang magka-concert at malaki ang pasasalamat niya na nagawa niya ito sa Pinoy Playlist.

Malaki ang naitulong ng pagiging magaling na aktor ni Ricky kaya ang ganda nang pagkakakanta niya sa mga paboritong awitin niya sa repertoire.

May kuwento ang bawat kinakanta niya, kaya nakakaaliw siyang panoorin.

Paulit-ulit siyang nagpasalamat sa National Artist Maestro Ryan Ca­­yab­yab na nag-accompany sa last two songs na kinanta niya.

Sabi nga niya, kapag nanonood daw siya ng concert ni Martin Nievera, lagi siyang tinatawag na umakyat ng stage para maki-jamming sa kanya.

At least, ngayon ay kanyang-kanya na raw ang stage.

vuukle comment

RAYVER CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with