Lee Seung-gi
Pinoy fans pinaligaya ni Lee Seung-gi
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sobra ang lakas na tilian ng fans ng Korean superstar na si Lee Seung-gi sa ginanap na Vagabond Voyage in Manila sa New Frontier Theater last Saturday night.

Iba, sobrang nakayanig ang tili at kilig ng fans niya sa bansa. Infected talaga ang buong New Frontier sa presence ni LSG na inaabangan sa bawat episode ng action / drama series na Vagabond kung saan ginagampanan niya ang role ng stuntman na si Cha Dal-gun na naghahanap ng justice sa pagkamatay ng kanyang newphew sa isang plane crash.

Charming siya in person at magaling magdala ng audience kaya pala siya hinahabol-habol ng fans.

Tulad sa ibang fan meetings ng mga Korean star na napanood ko, may mga parlor games. Dahil sa matinding ulan at traffic last Saturday, hindi ko na actually nasimulan ang Vagabond Voyage In Manila pero natuwa ako sa isang portion kung saan siya gumawa ng kimbap as if meron silang pupuntahang picnic.

Ang kimbap ay Korean sushi roll na popular sa kanilang picnic food.

Nang simulan niyang gawin, super tili ang mga faney at pinatatanggal ang gamit niyang gloves. Mas gusto raw nila nakakamay lang ang kanilang iniidolo para mas masarap.

In all fairness ang galing niyang gumawa. At nang matapos, tumawag sila ng isang lucky audience. Ang nagwagi, nagbiyahe pa galing ng probinsiya. Basta medyo malayo, na isang true blooded LSG fan dahil kuwento niya nag-travel pa siya sa Korea para makita ang idolong Korean actor. In fact nang lumabas daw ito sa military, kasama siya sa mga sumalubong na fans.

Ok din siyang mag-English at performer kaya nag-enjoy talaga ang Pinoy fans.

Sumikat sa Pinoy fans si LSG sa K drama na My Girlfriend is a Gumiho back in 2011. In between ay marami siyang K drama na pinalabas tulad ng Shining Inheritance, The King 2 Hearts, Gu Family Book pero bumalik ang sobrang pagka-fan nila nang mapanood sa ABS-CBN ang Hwayugi : A Korean Oddysey last year.

After ng encounter niya with Pinoy fans last Saturday, meron din siyang fan meetings sa Bangkok, Singapore and Kuala Lumpur sa pagpapatuloy ng kanyang Asia tour.

Ang ABS-CBN Events ang punung-abala sa nasabing memorable night for K drama fans last Saturday.

Kaya asahang mapapanood din sa Kapamilya Network ang Vagabond na on going pa ngayon sa Netflix.

LEE SEUNG-GI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with