Alfred Vargas
Alfred hinintay sa Magkaagaw
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

Excited pa rin ako na mapanood ang Magkaagaw, kahit special participation lang si Alfred Vargas sa coming soon afternoon drama series ng GMA 7.

Talagang hinintay ng Kapuso Network executives ang availability ni Alfred para sa naturang serye dahil medyo hectic na ang kanyang schedule mula nang magbukas ang Congress noong July.

Nagkasunod-sunod ang trabaho ni Alfred na always priority ang kanyang responsibilities bilang house representative ng 5th District ng Quezon City.

Nakatulong ang tambak na trabaho at ang sipag ni Alfred na mag-exercise kaya bumabalik na sa dati ang hubog ng kanyang katawan na kung minsan ay lumolobo dahil sa stress eating, lalo na noong panahon ng kampanya.

Si Alfred pa naman, hindi marunong tumanggi kapag inaalok ng pagkain ng constituents niya. Alfred cannot be completely away from showbiz, kahit paisa-isa lang dahil sa artistic juice sa katawan niya na hinahanap pa rin ang acting.

Kahit sacrifice sa time, kapag puwede, isinisingit pa rin ni Alfred ang pag-arte sa harap ng kamera kaya tinanggap niya ang Magkaagaw dahil markado ang role.

Iza itinago ang nangyari sa nanay

So sad pala ang childhood story ni Iza Calzado dahil for so many years, itinago niya ang truth tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina.

For so many years, dinala ni Iza ang bigat sa dibdib ng mga na­ging karanasan niya. Ngayon, dahil she feels complete and safe dahil may mapagmahal siya na asawa, naging open na siya na aminin na nag-suicide ang nanay niya dahil sa depression.

Malaking hamon sa buhay ni Iza ang pangyayari but look at her now, a successful and respected actress, isang mabuting tao at lumaki nang maayos.

No matter how sad ang naging experience niya sa buhay, dahil sa likas na kabutihan at ganda ng kanyang puso, binigyan siya ni God ng isang magandang buhay.

Binigyan din si Iza ng isang mabait na makakasama sa buhay. Isa Calzado is one example of a good person getting the best in life despite her shattered past. Salute, Iza.

Bernard Cloma hindi ko tatantanan!

Ang akala yata ni Bernard Cloma, okey na ang kanyang love you love you sa text at ang promise na ibibigay na niya ang Pacquiao gloves at Jo Malone candle na matagal ko nang binabawi Salve.

Sa awa yata ni Pia Romeo na hinahabol ko ang give­away na Jo Malone candle sa binyag ng anak ni Congressman Lord Velasco na si Sara, talagang pinadalhan niya ako ng Jo Malone candle.

Kung bola siguro ng basketball ang hinahabol ko, si Terrence Romeo na lang magbibigay.

Sa takot ko nga na baka mauna pang mag-retire si champ Manny Pacquiao bago namin makuha ni Lynette ang gloves kaya hindi ko titigilan si Bernard na akala yata, nagbibiro ako kaya text nang text ng “I love you.”

Basta titigil lang ako sa pangungulit kay Bernard kapag ibinalik na nito ang gloves na pinapipirmahan ko kay Senator Manny Pacquiao at ibibigay niya ang Jo Malone candles na may kasama na dalawang power banks na may picture nina President Rodrigo Duterte, Davao City Mayor Sara Duterte at Senator Bong Go.

Kahit na bigyan ako ni Pia Romeo ng one hundred Jo Malone candles, hahabulin ko pa rin si Bernard dahil pati kami ni Lynette, tinalo at ineeklay niya.

Lagot talaga sa akin si Bernard dahil pahiram Papa Mike Enriquez, hindi ko siya tatantanan.

ALFRED VARGAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with