Regine Velasquez
Apology ni Regine tinanggap ng fans
(Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

SEEN: Ang balita na malapit nang magpaa­lam ang isang programa. Maraming artista ang mawawalan ng trabaho kapag hindi na ni-renew ng television network management ang kontrata ng programa.

SCENE: Tahimik na dumating kahapon sa bansa ang football legend na si David Beckham dahil sa football clinic niya sa McKinley Hill Stadium para sa young Filipino football players.

SEEN: Chanti Gem ang pangalan ng jewelry store ng former actress-turned-television host na si Marissa del Mar sa 2nd level ng Ayala Malls Manila Bay. Si Marissa ang host ng World Class Kababayan na napapanood sa GMA News TV tuwing Sabado. Ang pagtulong sa mga Pilipino na nangangailangan ang isa sa mga advocacy ni Marissa na naranasan din noon na maging mahirap.

SCENE: Mas marami ang nakaunawa at tumanggap sa apology ni Regine Velasquez sa sinabi nito na amoy Payatas ang isa sa mga leather bag niya. Ipinakita ni Regine at ng anak na si Nate sa YouTube channel niya ang koleksyon ng mamahalin niyang bag.

SEEN: Hindi ang Nuuk ang unang movie team up nina Aga Muhlach at Alice Dixson dahil nagkasama na sila sa Sinungaling Mong Puso, ang 1992 movie ng Regal Films kasama sina Vilma Santos at Gabby Concepcion.

SCENE: Ipina-plug na ng GMA 7 ang Sky Castle, ang Korean television series na napapanood din sa Netflix.

SEEN: Gusto nang magkaroon ng anak ni Ryza Cenon dahil nainggit siya sa kanyang mga kaibigan at kasabayan sa showbiz na may mga pamilya na. Sina LJ Reyes at Mike Tan ang StarStruck 2 batchmates niya na may mga anak na.

REGINE VELASQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with