Young actor na napakamahal ng TF, sagad ang pinakitang kaartehan sa isang fiestahan
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2019 - 12:00am

Siguro nga ay hinding-hindi na kukunin pa ng isang show promoter ang serbisyo ng isang guwapong young actor na nagbigay ng pahirap sa kanila sa maraming paraan.

Inimbitahan nila ang young male personality para sa kanilang fiesta, napakamahal ng talent fee niya, pero kinaya ‘yun ng pamunuan para lang makarating sa kanilang bayan ang sikat at guwapong young actor.

Sa umpisa pa lang ay natunugan na ng show promoter na mahihirapan sila sa pag-aasikaso sa young male personality, ramdam na nila ang kaangasan ng bagets, inihanda na nila ang kanilang mga sarili sa puwedeng mangyari.

Kuwento ng aming source, “Ayaw niya kasing kumibo, kapag may itinatanong sa kanya ang show promoter, ituturo niya ang PA niya. Hindi siya nagsasalita, para siyang pipi, literal lang niyang itinuturo ang alalay niya!

“Pagdating sa place, ayaw niyang bumaba sa van niya, kesyo may kinakausap lang daw sa phone, sabi ng PA niya. Tapos, hindi rin siya tumupad sa pinag-usapan na magmo-motorcade sila, sumasakit daw kasi ang ulo ng bagets!

“Paano na nga naman ang mga kababayan nilang nakapila sa kalye at naghihintay na makita siya nang personal? Basta ganu’n na lang?” naiinis na kuwento ng aming source.

Hindi na nagpahinga sa hotel ang bagets actor, bumiyahe na lang siya nang pagabi na, para pagkatapos kuno ng show ay uuwi na rin siya.

Patuloy ng aming source, “Sinadya niyang bumiyahe nang pagabi na para makalusot siya sa motorcade. Kahit ‘yun naman ang usapan, e, wala siyang pakialam, masakit nga raw kasi ang ulo niya!

“Nu’ng mismong show na, e, nag-inarte na naman ang young male personality, gusto raw niyang mag-wash-up. Maliligo raw siya dahil pinagpawisan siya.

“Ayaw niyang mag-hotel, pero maliligo pala siya? So, dinala nila ang ba­gets sa bahay ng yayamanin sa lugar na ‘yun para makapaligo siya.

“Pagdating sa house ni hindi man lang siya bumati sa owner ng house, parang wala siyang nakikita, deadma lang siya! Hanggang sa nu’ng umalis na siya, ni hindi siya nagpasalamat man lang sa may-ari ng house na nagmagandang-loob sa kanya!

“Napakalaki ng talent fee niya para mag-inarte siya nang ganu’n! Suplado siya, wala siyang ka-PR-PR! Kaya sabi ng show promoter, ibagsak man niya ang presyo niya, e, hinding-hindi na uli siya kukuning performer kahit saan!

“Naku, kumpirmado ng mga taga-agency ang kasupladuhan ng young male personality na ‘yun! Naranasan na rin nila ang kasupladuhan ng bagets!

“Red, white or blue? Pili na kayo ng favorite color n’yo!” pagtatapos ng naiinis naming impormante.

Ubos!

Kung si Claudine ‘di pa napapatid ang pusod, Gretchen hindi pa lumalambot ang puso sa mga magulang

Bunso sa magkakapatid si Claudine Barretto. Teenager na siya ay katabi pa rin niyang natutulog ang kanyang mga magulang na sina Daddy Mike at Mommy Inday.

Hindi paawat si Claudine, basta naaalala niya ang mga magulang niya ay wala siyang pinipiling oras, kahit hatinggabi ay dumadalaw siya nang walang pasabi. Hindi pa putol ang pusod niya kay Mommmy Inday, sabi ng kanyang mga kaibigan, napakasensitibo niya pagdating sa parents niya.

Nasa ICU ngayon si Daddy Mike. Sa lahat ng pagkakaospital ng kanyang ama ay ito ang pinakanagbibigay ng tensiyon sa kanilang pamilya, hindi na bumabata ang kanilang padre de pamilya.

Araw-araw na nakabantay sa kanyang ama si Claudine, marami siyang naunang kompromiso na ipinagpaliban niya, makasama lang sa ICU ang kanyang ama.

Maraming kakapusan at kalabisan si Claudine, hindi siya perpekto, pero pagdating sa pagmamahal sa kanyang mga magulang ay walang makakukuwestiyon sa kanyang uri ng malasakit at pagmamahal.

Tanong ng marami nating kababayan, magkasundo naman sila ni Gretchen, kahit minsan lang kaya ay hindi nagkaroon ng lakas ng loob si Claudine na sabihin sa kanyang ate na tapusin na nito ang kanilang hidwaan nina Daddy Mike at Mommy Inday?

Hindi nakikita sa ospital si Gretchen, pero nakikita ang aktres na namamasyal sa iba-ibang lugar, gaano ba katigas ang puso ni Greta para makipagkasundo na sa kanyang mga magulang?

Ang lahat ay napapalitan. Pero iisa lang ang ating magulang.

CLAUDINE BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with