Marian tambak na ang endorsement!
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 9, 2019 - 12:00am

Bongga naman si Marian Rivera-Dantes dahil endorser na rin siya ng supermarket Salve.

Pormal na ipina­kilala kahapon si Marian bilang celebrity ambassador ng Waltermart Supermarket.

Makakaasa ang mga kostumer ng Waltermart na makikita nila na namimili ang mag-iinang Marian, Zia, Ziggy at baka pati si Dingdong sa naturang supermarket.

Talagang nakaka­tulong nang malaki ang image ni Marian as a good housewife and mother na hands on sa kanyang household kaya maraming product companies na para sa bahay at housewife ang gusto siya na  maging endorser, ang Wilkins, Beautederm Candles and Home scents at ibang products na nagpapakita how she cares for her family and home.

Bongga ka Marian, sobrang mahal  ka ni God. Grabe, meron ka na dalawang anak na magaganda at isang husband na very loving, what more can you ask?

Pinagpala talaga na babae si Marian Rivera-Dantes.

Naging habit na tuwing martes

Proven na kapag nakasanayan ang isang ugali, automatic na ito na ang magiging schedule sa pag-gising sa umaga like kapag Tuesday, nasa utak ko na ang  Take It...Per Minute! (Me Ganun).

Paggising ko pa lang, nasa utak ko na ang magiging topic natin nina Cristy Fermin at Mr. Fu sa Take It…Per Minute.

May balita kaya na mapaglalaruan, mainit at pag-uusapan? May guest kaya na magiging kabatuhan?

Automatic na ‘yon kaya wish ko na sana ganoon din ang viewers natin, automatic na maghihintay sila sa show sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON from 12 to 1 pm at maging sa YouTube.

Grateful tayo Salve na umabot nang ganito katagal ang Take It... Per Minute! (Me Ganun) na naging daan pa para magkaroon ng bonding ang grupo ni Cristy, sina Tina Roa, Japs Gersin, Richard at PJ, ang grupo ng PSN na sina Randolf, at maging sina Ogie, Rexy at Mr. Fu.

Habit na at hahanap-hanapin ang grupo every Tuesday. Long live guys dahil love natin ang bawat isa.

Young actor may kakaibang ugali

Hindi normal ang isang young actor ang pakiramdam ng production staff ng pelikula na ginawa niya.

Napansin kasi ng production staff na hindi mapakali sa isang lugar ang young actor at kung anu-ano ang ginagawa niya na kakaiba sa mga moment na nagsosolo siya.

Mabait naman daw ang aktor pero madalas na late ito sa shooting kaya pinagpapasensyahan na lang siya ng direktor na mabait at tila kumbinsido rin na hindi normal ang star ng kanilang pelikula.

MARIAN RIVERA-DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with