^

PSN Showbiz

Maine at Daniel gustong ipag-produce!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Maine at Daniel gustong ipag-produce!

Isang dating miyembro ng That’s Entertainment si Joed Serrano na luminya sa pagpoprodyus ng mga malalaking concert hindi lamang para sa mga local ar­tist kundi maging ng mga fo­reign talents, tulad nina Sharon Cuneta, Vice Ganda, Alex Gonzaga, James Ingrams, Celine Dion, atbp.

Balak niya na pelikula naman ang iprod­yus niya at sina Maine Mendoza at Daniel Padilla ang gusto niyang i-feature. Nagkaroon siya ng idea dahil sa tagumpay ng Hello, Love, Goodbye nina Alden Ri­chards at Kathryn Bernardo.

Nakapagtataka lang na may nagsasabing mature ang Phenomenal Dubsmash Queen sa Kapamilya actor gayung wala namang ganitong comment sa pagtatambal nila ni Carlo Aquino sa Isa Pa with Feelings. Kung hindi lamang sila parehong taken na ay baka nagawan pa sila ng romansa ng publiko.

At kung tama ang nararamdaman ni Joed sa dalawang artista at ituloy ang plano niya, baka isa pang high grossing film ang maiprod­yus niya.

Mga dating singer, naglalaban-laban sa Showtime

Pinapapurihan ko ang programang It’s Showtime for coming up with a new singing competiton na tampok hindi lang ang mga baguhang manga­nganta kundi mga celebrity o kilala na at nakagawa ng pangalan sa mundo ng musika.

It makes their singing tilt more exciting. Sayang lang at pinagsabay nila nung Lunes sina JayR Siaboc, runner-up ni Yeng Cons­tantino sa Dream Academy at Thor Dulay, isang kilalang voice coach at kasama nina Vice Ganda at ilang mga hurado ng TNT na naulanan na ng kanyang expertise sa boses.

In all fairness, hindi nagpahuli sina Lance Raymundo at Stephen ng It’s Showtime na nagpamalas ng isa pa niyang talento bukod sa pagsasayaw. Bilib ako sa mga susunod na sasali pa sa paligsahan dahil inilalagay nila sa alanganin ang mga estado nila sa kasalukuyan at iisa lamang ang mananalo araw-araw, buti na lamang at malaki ang tiwala nila sa kanilang mga sarili.

Tessa kapuri-puri ang ginawa

Kapuri-puri rin ang isa naming kasamahan sa hanapbuhay, si Tessa Mauricio-Arriola, Lifestyle at Entertainment editor ng Manila Times sa ginawa nitong pagdi­ri­wang ng kanyang 42nd birthday. Sa Child Haus na malapit sa PGH siya nagpa-party, kapiling ang mga batang may sakit ng kan­ser, kasama ang kanyang kabiyak at ilang mga kaibigan. Hindi lamang niya hinainan ng masasarap na pagkain kasama ang mga kasamahan niya sa SPEEd ang lahat ng bisita niyang may kanser kasama ang mga magulang nila, nagdala pa rin siya ng regalo para sa kanila at nagbigay ng isang magandang palabas na tampok ang mga hindi pa kilalang performers pero, ilan sa pinakamagagaling na napanood ko – isang magician theater actor, BOU Duo, isang nagnga­ngalang Hazel na sumali na sa Himig Handog.

Parehong may mga magulang na cancer survivors ang mga kumanta. Kung nasiyahan ang mga bata sa pa-birthday ni Tessa, ganundin ang nagtayo ng Child Haus maraming taon na ang nakakaraan sa isang seven storey building na handog ni G. Hans Sy, ito ay si Mother Ricky Reyes, host ng sarili niyang programa sa TV, isang salon magnate at pilantropo na patuloy sa kanyang pagtataguyod para mabigyan ng matutuluyan ang mga may sakit na nagmula pa ng probinsya at kinakailangang magpabalik-balik ng Maynila para sa kanilang gamutan. 

Dalawang serye ng Kapamilya bongga ang kuwento

Maganda at kaabang-abang ‘yung dalawang bagong serye ng ABS-CBN, ang 100 Days My Prince, isang Korean novela at ‘yung Starla ni Judy Ann Santos na sa unang araw ng pagpapalabas ay nagtampok lamang sa kabuuan ng episode kina Joel Torre at ang bagong batang si Enzo Pelojero na kagigiliwan ng manonood dahil mayro’n itong katangian na hindi matatagpuan sa maraming Kapamilya child stars na marunong ding umarte pero, walang charm na taglay ng bagong artistang bata. Kahit isang alitaptap lang ang role ni Jana Agoncillo, feel ng manonood ang kanyang presence.

Curious lamang ang mga supporter ni Juday kung hanggang sa dulo ba ay mapapanindigan niya ang pagiging kontrabida niya. Ayaw nilang bad siya kahit naipapamalas niya ang range ng kanyang kahusayang umarte sa serye.

Cesar lumitaw sa debut ng anak

Nakatutuwang malaman na dumalo si Cesar Montano sa debut ng anak nila ni Sunshine Cruz na si Angelina Cruz. Kahit hindi siya nagtagal sa party nung September 28. Ang importante ay nakadalo siya at naramdaman ng kanyang anak ang pagiging ama niya.

Concerned din naman ang aktor sa ibang mga anak niya. Nag-dinner sila nung birthday ni Cheska, ipinag-shopping pa niya ito.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with