^

PSN Showbiz

Maja kauna-unahang best actress sa Asia Contents Awards

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Maja kauna-unahang best actress sa Asia Contents Awards
Maja Salavdor

Parang lucky charm ni Maja Salavdor ang boyfriend na si Rambo Nunez.

Kalat ang pagwawagi ng aktres bilang kauna-unahang Best Actress for drama sa unang Asia Contents Awards na ginanap sa Busan, South Korea, para sa kanyang pagganap sa karakter na Lily Cruz at Ivy Aguas sa teleseryeng Wildflower na napanood sa ABS-CBN last year.

Tumatak nga sa manonood ang pagganap ni Maja bilang isang matapang na babae na nais ipaghiganti ang kamatayan ng kanyang mga magulang at labanan ang opresyon ng pamilyang Adriente.

In all fairness, si Maja daw ang nag-iisang Pilipino na nag-uwi ng award at ang kanyang show ang natatanaging nominado mula sa Pilipinas na nominado sa Best Drama category. 

Nakipagtagisan ang Wildflower sa iba’t ibang Asian TV series mula South Korea, China, Japan, Hong Kong, Taiwan, Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, Brunei, Vietnam, Laos, Myanmar, at Cambodia.

Kinilala ng 1st Asia Contents Awards ang pinakamahusay na mga TV drama na pinalabas sa Asya nitong huling limang taon. Ito ay inilunsad ng kilalang film festival na Busan International Film Festival at Asian Film Market, ang taunang film market na ginaganap sa South Korea.

Palabas pa ang Wildflower sa mga bansang New Caledonia, Polynesia at Reunion Islands, matapos magsanib-pwersa ang ABS-CBN at Ampersand fiction, isang French content distributor.

Ngayong Oktubre naman, ipapalabas na rin ito sa Madagascar dahil sa partnership ng ABS-CBN at Startimes, na distributor sa nasabing bansa.

Naging malakas sa ratings ang Wildflower sa nang ipalabas ito last year.

Ang bida nito na si Ivy Aguas/Lily Cruz ay kinilala sa pagiging simbolo ng lakas ng kababaihan sa lipunan.

Tinuturing ding birthday gift ni Maja ang natanggap na best actress award. Last October 5 ang 31st birthday ni Maja.

Cannabis Resto bukas na!

Open na pala sa Amerika ang kauna-unahang ‘legal cannabis restaurant’ ayon sa report ng CNN.

“Got the munchies? Lowell Farms in Los Angeles just became the first fully legal cannabis restaurant in the US, according to the restaurant. The café’s menu features seasonal, California-inspired dishes that are complementary to the effects of THC. Diners can also smoke joints, pipes and bongs, and consume edibles,” ayon pa sa post ng CNN sa kanilang IG account.

Supplier din kaya sa nasabing restaurant ang showbiz personalities na diumano’y may-ari ng malaking cannabis farm sa Amerika?

O dumayo kaya sa nasabing restaurant ang ibang actor na nababalitang nagwi-weed?

vuukle comment

MAJA SALAVDOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with