James Reid, Nancy ng Momoland magtatambal sa teleseryeng 'Soulmate'

Ang balita ay kinumpirma ngayong Biyernes ng Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN.
Facebook/Dreamscape Entertainment

MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasanib-pwersa ang ilang bigatin ng Philippine at Korean showbiz scene para isakatuparan ang nilulutong serye ng Kapamilya Network.

Magsasama sa proyekto sina James Reid at Nancy McDonie ng grupong Momoland para sa palabas na "Soulmate."

Ang balita ay kinumpirma ngayong Biyernes ng Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN.

 

 

Nakatakdang i-direct ang palabas ni Antoinette Jadaone.

Tanyag si Jadaone sa pagdidirek ng mga romantic comedy films gaya ng "That Thing Called Tadhana," na labis na tumabo sa takilya.

Kasalukuyang nasa Pilipinas ang grupong nasa likod ng hit song na "Bboom Bboom" para sa kanilang "Good Friends" show sa Araneta Coliseum bukas.

 

 

Kanina, pumirma na rin ng kontrata ang ABS-CBN at MLD Management para sa paparating na mga proyekto ng Momoland sa Dos, kabilang dito ang travel series kung saan lilibot sila sa iba't ibang bahagi ng bansa. — James Relativo

Show comments