Ogie at Hurados ubusan ng TF kung gumastos sa get-together
Ogie at Hurados ubusan ng TF kung gumastos sa get-together
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 3, 2019 - 12:00am

Sa October 10 pa ang concert ng Ogie and the Hurados na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, pero ngayon pa lang ay in-announce na ni Ogie na magkakaroon na ng repeat sa November 8.

Paubos na kasi ang tickets at inaasahang sold out na ito bago mag-October 10.

Kasama ni Ogie rito ang mga kapwa hurados sa Tawag ng Tanghalan na sina Rey Valera, Zsa Zsa Padilla, Karylle, Jed Ma­dela, Randy Santiago, K Brosas at Karla Estrada.

Nabuo ang concert na ito sa madalas na bonding nilang mga hurados na kung saan nagkikita sila dahil may binuo rin silang prayer group na nili-lead ni Ogie.

“We always get together, kaming mga hurado. Kantahan kami nang kantahan. Sabi ko, ba’t di na lang tayo mag-concert?” pakli ni Ogie nang nakatsikahan namin kamakalawa lang para sa promo ng concert na ito.

Kaya nga minsan naubos na raw ang suweldo nila sa It’s Showtime dahil sa nagagastos nila kapag lumalabas sila.

Asahang mahaba ang concert na ito dahil sa mga number nilang mga hurados, special guests pa nila ang nag-top three sa grand finals ng TNT na sina Elaine Duran, John Mark Saga at John Michael dela Cerna.

Proud si Ogie sa mga produkto ngayon ng Tawag ng Tanghalan dahil magagaling silang lahat.

“I think it’s getting better every year. Ang dami talagang magagaling kumanta. There’s always someone better than you. Especially as you get older, the younger one…you know it’s a young man’s game.  We are happy na kaming mga hurado are giving the privilege and get to know these young singers. ’m very proud all of them. I hope they will become superstars,” pahayag ni Ogie Alcasid.

Aminado nga raw silang marami pang mga sumali sa TNT na mas magaling pa sa kanilang mga hurado.

MMFF nag-react sa ingay ng pelikulang gustong sumali

Naglabas ng statement ang spokesperson ng Metro Manila Film Festival na si Noel Ferrer, pagkatapos mag-meeting ang Executive Committee para mapag-usapan ang announcement ng apat na pelikulang bubuo sa Magic 8 ng MMFF.

“I’d like to tell everyone that the MMFF Selection Committee will decide the final 4 official entries based on the actual merits of the films submitted, and not on the publicity being generated in media now.

“We don’t appreciate the mudslinging and the negative publicities being forwarded to us at this point.

“We shall announce the final 4 entries on October 16. So please, kalma lang.... rest on the merits of the films submitted and on your goodwill for our industry.”

Gaganapin ang announcement sa Club Filipino at isasabay na ring i-announce ang walong student film entries.

In-assure ng mga taga-MMFF na mas exciting ang MMFF ngayong nasa 45th year na at kasabay pa ang pagdiriwang ng Centennial of Philippine Cinema.

Nagkaroon ng ingay ang paghihintay ng announcement ng additional MMFF entries dahil nagsisimula nang maglabas ng publicities ang ilang pelikulang isinabmit.

Ang lakas kasi ng reaksyon sa inilabas na teaser ng pelikulang Culion dahil si  John Lloyd Cruz ang nasa last frame nito.

Henerasyong… relatable

Tuwang-tuwa ang mga bida ng pelikulang Ang Henerasyong Sumuko sa Love dahil suportado ng fans nila ang premiere night nito na ginanap sa Ci­nema 7 ng SM Megamall noong nakaraang Martes, October 1.

Sabi ni Jane Oineza, nakakatuwa raw dahil nakikita nilang na-enjoy ito ng mga nakapanood. Pero ang inabangan namin sa pelikulang iyun ay ang mainit na eksena nina Jerome Ponce at Anjo Damiles na bading ang role nila rito.

Pero hindi naman namin napanood sa pelikula ang eksenang iyun dahil target nila ang Rated PG ng MTRCB. Kaya medyo tame na ang mga eksena nilang dalawa. Mai-enjoy naman ng mga kabadingan ang pabukol nilang dalawa na naka-swimming trunks.

Pero ang mahalaga rito sabi ng ilang bida na sina Tony Labrusca, Myrtle Sarrosa at Albie Casiño ay ang kuwentong tumatalakay sa mga millennial. Tiyak na marami raw ang makaka-relate dito at sabi nga ng direktor nilang si direk Jason Paul Laxamana na millennial din.

Showing na ngayon sa mga sinehan itong Henerasyong Sumuko sa Love.

OGIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with