Gladys mahigit 30 na ang teleserye

Gladys Reyes

SEEN: Tears of joy ang pumatak mula sa mga mata ni Arra San Agustin nang magpasalamat siya kahapon sa GMA 7 management dahil sa malaking break na ibinigay sa kanya sa Madrasta, ang afternoon drama series ng Kapuso Network na magsisimula na mapanood sa October 7. Hindi remake ng 1996 Star Cinema movie na Madrasta pero pinanood ni Arra ang pelikula ni Sharon Cuneta. 

SEEN: Si Thea Tolentino ang kontrabida sa Madrasta. Malaking karangalan para kay Thea na muling makatrabaho si Gladys Reyes sa isang project. Kabilang si Gladys sa mga aktres na itinuturing na contravida icon sa Philippine showbiz.

SCENE: Sa bilang ni Gladys Reyes, mahigit sa tatlumpo ang bilang ng mga teleserye project niya sa Kapuso Network kaya nagpapasalamat siya. 

SEEN: Unang teleserye ni Anjo Damiles sa GMA 7 ang Madrasta. Anim na taon na Kapamilya actor si Anjo bago ito nagdesisyon na lumipat sa Kapuso Network. Si Jonas Gaffud ang manager ni Anjo. Pamangkin si Anjo former beauty queen na si Aileen Damiles na unang nag-artista sa kanilang pamilya. Kapatid ni Aileen ang tatay ni Anjo na sandali lamang ang showbiz dahil pinili nito na makisama sa  lalakeng bumihag sa kanyang puso.

SEEN: Makalipas ang labindalawang taon, balik-GMA 7 si Almira Muhlach bilang ina ni Thea Tolentino sa Madrasta. Ang Lupin na pinagbidahan ni Richard Gutierrez noong 2007 ang huling assignment ni Almira. 

SCENE: Hindi nagsisisi ang comedienne na si Divine Aucina sa pag-amin nito na hindi na siya “virgin” dahil marami ang humanga sa guts na ipinamalas niya. May mga bumatikos kay Divine pero mas marami ang pumuri sa kanya.

Show comments