Aileen Go obsessed sa mga zombie

Aileen

Nakakatuwa naman ang business executive / mompreneur na si Ms. Aileen Choi-Go na in a way ay natupad ang ultimate dream na maging zombie sa pelikula. Yup isa siyang zombienatic. 

Kaya nang magkaroon ng chance para sa isang cameo role sa pelikulang Block Z starring Joshua Garcia and Julia Barretto, hindi niya pinalampas, pumayag agad-agad siya.

Kaya lang, ang sabi dati ng isang ABS-CBN insider, this September ipalalabas ang Block Z but obviously iniisip pa nila na mainit pa ang isyu kay Julia kaya siguro nade-delay.

Pero excited na si Ms. Ai at handa na ang mga block screening ng ilang friends niya pag nag-showing na ang movie na mas bongga siguro kung isasali na lang nila sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019.

Actually, aside from zombie movies, super fan din siya ng horror movies. As in lahat daw ng mga horror film, napanood na niya, local and foreign.

Anyway, aside from the movie Block Z, endorser na rin si Ms. Aileen.

Dalawa sila ng actor/singer na si Young JV na brand ambassadors ng Fasclean Extra Detergent Powder ng kumpanya nila Megasoft Hygienic. “What you’ll love about Fasclean with fabric conditioner is its toughness on dirt and stains but gentle on the hands. My favorite lavender scent gives the clothes long lasting freshness while the fine granules dissolve well into water and does not leave residue on clothes and washing machine,” kuwento ni Ms. Ai nang makatsikahan namin sa press launching nila ni Young JV last week.

Bago ang pagiging brand ambassador niya ng Fasclean, almost 20 years na si Ms. Ai nagwo-work for Megasoft. As in wala siyang pina­lalampas na events ng Megasoft as VP for sale and marketing. Pero hindi rin naman niya nalilimutan ang pagiging mommy sa dalawang anak na lalaki. Kahit travel siya nang travel around the Philippines, in case na may occasion o may kailangang gawin for the family, ginagawa niya ‘yung priority.

Actually, super humble itong si Ms. Ai. Kahit na nga ganun ang position niya, sumasakay siya ng MRT at madalas mag-grab. Yup, walang siyang arte sa katawan at madaling mag-adjust.

Anyway, congrats Ms. Ai and congrats again.

Show comments