Chair Liza napagsama-sama ang mahahalagang tao sa industriya

Chair Liza

Hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin ang napakarami na artista na dumalo sa Sine Sandaan, ang Celebration ng 100 Years of Philippine Ci­nema na ginanap sa New Frontier Theater noong Huwebes, September 12.

Tuwang-tuwa si Alden Richards dahil naging parte siya ng pagdiriwang. Ang guwapo ni Big Boss Dingdong Dantes at punung-puno ng confidence si Coco Martin nang maglakad sila sa red carpet.

Ang mga babae na naka-gown talagang ningning sa gabi ng cinema, pati nga sina Salve, Ian, Tessa, Gie at Dinah, nakipag-salpukan sa pagiging fabulous.

Matatagalan bago magkaroon uli ng ganoong happening at hindi na siguro natin aabutin pa ang another 100 Years of Cinema kaya dapat talaga, dumalo ang lahat ng mga imbitado.Unforgettable night, thank you talaga Chairman Liza Diño ng Film Development Council of the Philippines.

Bongga talaga ang pagiging star studded ng celebration ng 100 Years of Philippine Cinema. Talagang nakita natin how personal na kinarir ni FDCP Chairperson Liza ang pag-invite at follow up kaya parang siya na rin ang ta­lent coordinator ng event.

Nakita natin ang mga artista na dumalo na nakipag-cooperate at dressed to the nines. Pati ang mga showbiz writer, fully made up at fashionable ang suot as in it was a starry night to remember. Congrats Chair Liza, bongga, ipinakita mo na talagang cooperative sa’yo ang showbiz people. Salute and thank you for that wonderful night.

Senior citizens mas maarte na ‘pag nagkakasakit

Siguro kapag 72-years-old na ang isang tao,talagang maarte ka nang magkasakit. ‘Yun bang, well-cherished nila ang konting ubo at sipon.

Feeling nilalagnat at tamad-tamaran school of acting ka. Naku in moments like this, parang naghahanap ka rin ng kasama, ‘yun kunyari aligaga sa pag-aalaga sa’yo at gusto mo makita na parang lahat inaasikaso ka.

Matagal gumaling ang sipon at ubo ko dahil maarte ako. Addict na nga ako ng Lola Remedios at NyQuil pero ayaw pa rin maalis. Naku siguro dying na ako na lagi kong line kay Gorgy kapag nagkakausap kami sa phone kaya naiinis siya.

Direk ni Alden inaaway na rin 

Bukas na ang pilot telecast ng The Gift, ang primetime television series ni Alden Richards.

Excited na ang fans at supporters ni Alden na mapanood ang The Gift na very touching ang teaser.

Ipinakita ni Alden sa mga eksena nito sa The Gift ang husay niya sa mga dramatic scene na talagang forte niya.

Introducing sa The Gift ang former beauty queen na si Thia Thomalla na nakakaranas ng bashing dahil hindi siya ang bet ng fans ni Alden para makapareha ng aktor.

Pati nga ang direktor na si LA Madridejos, nagkuwento na pati siya, inaaway ng fans na hindi type si Thia bilang love interest ni Alden.

Matagal nang direktor si LA ng mga television series ng Kapuso Network pero ngayon lamang niya naranasan na ma-bash nang bonggang-bongga. Imbes na sumagot, dinedma na lang ni LA ang mga pang-ookray sa kanya ng fans na nagmamarunong at nagdidikta para hindi na humaba at lumaki ang isyu.

Show comments