Nadine at Liza binantaan na aatakihin ng asido

Liza Sobe­rano

Kung nagbibiro man ang fan na nagbantang sasabuyan niya ng muriatic acid ang mga mukha nina Nadine Lustre at Liza Sobe­rano, kailangan pa ring seryosohin. Sa ABS-CBN Ball daw gagawin ng fan na may Twitter handle na @kath54751561 ang sinabing sasabuyan ng muriatic acid sina Liza at Nadine sa hindi malinaw na dahilan.

Nakarating na kay Ogie Diaz, manager ni Liza ang banta ng fan na mukha pa ni Kathryn Bernardo ang nasa DP at in-assure ang fans ni Liza na laging may security sa ABS-CBN Ball na dati ay Star Magic Ball.

Ang tapang ng basher sa kanyang banta at may pa-“MARK MY WORDS” pa siya at maghanda na raw sina Liza at Nadine.

Ngayong gabi na ang ABS-CBN Ball na dadaluhan ng lahat ng ta­ lents ng ABS-CBN at kanilang invited guests. Maraming tao sa gabing ‘yun, hindi na ma-distinguish ang invited at makikimeron lang. Kaya kailangan talaga ang triple security.

Zia hakot-award agad sa school

Tinotoo ni Marian Rivera ang nabanggit sa presscon/media launch niya bilang endorser ng Tough Mama Home & Kitchen Appliances na hindi man sila makasama sa Berlin, Germany kung saan, tatakbo si Dingdong Dantes sa 2019 Berlin Marathon, suportado naman niya ito.

In fact, sa training ni Dingdong kahapon, dumalaw si Marian kasama ang baby boy nilang si Ziggy. Pinost ni Dingdong ang photo ng kanyang mag-ina at may caption na “My pampagana visitors during this morning’s training.”

Sa September 20, na ang lipad pa-Berlin ni Dingdong para sa Berlin Marathon scheduled on Sept. 29.

Sa isa pang post ni Dingdong, photo naman ni Zia in a Hawaiian Girl costume ang pinost.  Para sa Luau party ng school ni Zia kaya naka-Hawaiian dancer costume. Nanalo siyang Best in Costume for having the best lei raw among her classmates. Pang-ilang panalo na ito ni Zia dahil laging on point ang costume.

May tsika pala na may bagong TVC si Zia na kasama ang kanyang ina. Tila nag-shoot na sila ng, kaya hintayin na lang natin ang airing noon.

Jerald at Kim natural na natural sa bed scene

Five years na pala ang relationship nila Jerald Napoles at Kim Molina at kamakailan lang nila inamin in public. In fairness, bago pa ilabas ang September 25, showing ng Jowable na launching movie ni Kim, inamin na ng dalawa na mag-jowa sila. Kaya, hindi sila puwedeng akusahang ginagamit ang relasyon nila to promote the Viva Films movie.

Ang paliwanag ni Jerald, parang hindi nila kailangang aminin ang relasyon nila that time dahil ang feeling niya, ang close friends muna nila ang dapat makaalam. Pero no choice ang dalawa kundi umamin dahil napansin na rin ng hindi nila close friends ang kanilang relasyon.

May bed scene sina Kim at Jerald sa Jowable at kanilang inamin na awkward ang feeling na magkaroon ng bed scene na marami ang nano­nood. Ang feeling ni Jerald, nagrenta sila ng mga tao para panoorin habang nagla-love making.

Si Darryl Yap ang director ng Jowable na hiningi ang suporta na tulungan silang i-promote ang movie at marami ang makapanood. Dagdag pa ni direk Darryl, pinakamagagaling na supporting cast ang kasama nina Kim at Jerald sa movie. Sila’y sina Kakai Bautista, Cai Cortez at Candy Pangilinan.

Show comments