Alden may show abroad
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - September 5, 2019 - 12:00am

SCENE: Malaki ang posibilidad na magkaroon si Alden Richards ng television show sa ibang bansa pero hindi pa siya nagbigay ng kumpletong detalye. Mapapanood sa GMA 7 simula sa September 16 ang The Gift. Ang rebelasyon ni Alden na ang mga tao sa paligid nito ang nagpapalakas ng kanyang loob sa tuwing naiisip niya na sumuko. Magaling si Alden na magdala ng problema kaya hindi nahahalata ng fans at supporters niya.

SEEN: Excited ang fans ni Alden Richards na malaman ang mapalad na babae na liligawan niya. Nagbitaw si Alden ng salita na ang sariling kaligayahan naman ang haharapin dahil nailagay na niya sa maayos na sitwasyon ang kanyang pamilya.

SCENE: Ang usapan nina Alden, Kathryn Bernardo at ng direktor na si Cathy Garcia-Molina na kung sakaling magkakaroon ng sequel ang Hello, Love, Goodbye, ang original staff pa rin ang kanilang makakasama dahil kilalang-kilala na nila ang isa’t isa.

SEEN: Marami ang pabor sa curfew na ipatutupad ni Manila City Mayor Isko Moreno para sa mga kabataan na may edad na 17 pababa. Ang mga magulang ng mga menor de edad  ang papatawan ng parusa kapag nahuli ang kanilang mga anak na pakalat-kalat sa kalye sa itinakda na curfew hours.

SCENE: Muling idaraos sa Mall of Asia Arena ang 12th Grand Gathering ng Gabay Guro na dadaluhan ng mahigit sa 20,000 teachers mula sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas. Tiniyak ni Gabay Guro Chair Chaye Cabal-Revilla na star-studded ang 12th anniversary ng Gabay Guro. Mga host ng programa sina Jose Manalo, Wally Bayola at Dimples Romana.

Invited performers sina Angeline Quinto, Erik Santos, Gabby Concepcion, Ian Ve­neracion, Piolo Pascual, Pops Fernandez, Zsa Zsa Padilla,  Regine Velasquez, Martin Nievera at Kuh Ledesma.

SEEN: Bukod sa grand gathering ng mga guro tuwing September, nagdaraos ang Gabay Guro ng Teacherfest, ang satellite at localized tribute ng foundation sa mga guro ng key cities ng bansa.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with