^

PSN Showbiz

Swerte ni Andrea Derek iba-ibang luxury car ang gamit araw-araw

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Swerte ni Andrea Derek iba-ibang luxury car ang gamit araw-araw

May mall show sa Bataan sina Derek Ramsay at Andrea Torres kamakailan to promote The Better Woman na naka-schedule ng 4pm., pero very late na nakarating ang dalawa sa Vista Mall. Akala pa nga, hindi na sila makakarating.

Post ni Derek: “So much love here in vista mall Bataan. It took us almost 6 hours to get to Bataan dahil sa ulan. We thought wala na kami aabutan but to our surprise we were welcomed by so many people. Maraming salamat sa suporta mga kapuso dito sa Bataan.”

Ang sabi, 10pm., na nakarating sa Bataan sina Derek at Andrea at sinalubong pa rin sila ng mga tao at nagpasalamat pa sa kanilang pagdating.

Samantala, pinatunayan ni Derek ang tsika na marami siyang luxury car nang i-post ang Bentley car na kanyang ipinaayos at bago ang coat. Naalala namin ang tsika ng isa niyang kasama sa series na iba’t ibang cars ang ginagamit niya sa pagre-report sa taping.

Anne sinahog sa pelikula ni Sarah

Mas pinalakas pa ng Viva Films ang Unforgettable mo­vie ni Sarah Geronimo sa paggi-guest ni Anne Curtis. Sa BTS (behind the scenes) pa lang ng shooting ng guesting ni Anne, marami na ang na-curious at gustong malaman ang role nito na naka-white dress habang kausap si Sarah na karga ang kasama niyang aso sa movie.

Veterinarian daw ba ang role ni Anne at ilang araw ang shooting niya? Gusto ring malaman ng supporters ni Sarah, kung ano ang role ni Regine Velasquez at Tirso Cruz III na may cameo role rin sa movie na mula sa direction ni Jun Lana.

Nabasa naming sa October 23, ang playdate ng Unforgettable at kundi kami nagkakamali, makakasabay nito ang showing ng Maleficent o kundi man makasabay, mag-aabot ang showing, kaya kailangang palakasin ang Unforgettable.

Derrick gaganap na double agent

Uso ang spoiler sa mediacon ng Beautiful Justice ng GMA 7 dahil sa trailer pa lang na pinalabas sa mediacon, sinabi nang mabubuhay ang karakter ni Derrick Monasterio na si Lance. Hindi pala siya mamamatay nang sumabog ang yate sa drug raid ng PDEA agents.

Ang pagkamatay pa naman ni Lance ang magiging rason kung bakit sasali ang GF niyang si Brie (Gabbi Garcia) sa grupo nina Yasmien Kurdi at Bea Binene na magti-take revenge.

Pero, may twist pa rin naman ang karakter ni Lance, spoiler uli ang pag-a-agree nito sa mga reporter na nag-comment na magiging double agent siya. Kung paano mangyayari ‘yun, aabangan natin sa Beautiful Justice na mapapanood na simula September 9, after ng 24 Oras sa direction ni Mark Reyes.

Sabi pala ni Gil Cuerva, si Derrick ang isa sa mga rason kung bakit level up ang workout niya dahil ayaw niyang mapahiya ‘pag magkatabi sila. Sila ang magka-partner bilang mg PDEA agents na susugod sa mga drug raid.

Serye ng LizQuen minamadali

Masayang-masaya ang fans nina Enrique Gil at Liza Soberano dahil kahapon, may storycon ang dalawa para sa gagawin nilang teleserye sa ABS-CBN.

Mabilis nag-trending ang #LizQuenSeryeStoryCon na ilalagay sa Primetime Bida time slot at kung saan, sabi ni Liza, maganda ang story ng teleserye na hindi nabanggit ang title.

Nakakatuwa dahil may mga nagre-request na sa magiging takbo ng istorya ng te­leserye ng dalawa. Sana raw sa ending, o sa gitna ng story, ikakasal ang dalawa para maraming kilig.

vuukle comment

ANDREA TORRES

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with